FIGHT
Nag umpisa na namang umikot ang paningin ko. Pero wala akong pakialam kong hindi na ako makakalakad. I want to drink until I get unconscious. Gusto kong nag paka lunod muna sa alak dahil sa mga nasaksihan at narinig ko kanina.
Pagkalabas ko ng Restaurant na iyon nakita ko naman agad sila Stella. Tahimik lang akong umupo sa tabi nila. Hindi naman sila nag tanong kaya hindi nalang ako nag salita. Pakiramdam ko pag bubuka ang bibig ko lalabas yong mga luha na nakatambak na naman sa mata eyebags ko.
Natapos yong game na hindi ko nga naintindihan ang laro dahil sa bumabagabag sa isip ko. Hindi ko nga din alam kong sino yong panalo.
"Hey Zariah? are you okay?"
"Huh?" guling gulo akong tumingin kay Amber at naguilty na naman ulit ng lahat sila naka tingin na sa akin. Kaya sinubukan kong ngumiti.
Pabalik na kami ng parking area. Saktong nakita ko si Third lalapitan kona sana ito ng umalis ito at may sinalubong.
At para na naman akong sinaksak sa nasaksihan ko. Palihim kong pinahid ang luha ko at tahimik na sumunod sa mga kaibigan ko.
Hindi ko alam kong nakita nila iyon. Pero wala naman siguro dahil sa hindi naman nila pinuna.
Tahimik ako sa byahe kong saan man kami pupunta ngayon.
Huminto ang kotse ni Stella sa harap ng Schumie Of Dyett. At para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita din ang dalawang papasok ng restaurant.
At hindi kona ik-kwento ang nangyari dahil wala. I was just there. Staring at them the whole dinner time. Hindi ko na nga naisip kong ano man lang ang mararamdaman ng mga kaibigan ko. Na sense din siguro nila bandang huli kaya nawala ng mga ngiti sa labi nila. And I feel so useless and burden to them.
Ako na naman ang rason kong bakit nawala ang saya sa mukha nila.
Wala nga siguro akong kwentang kaibigan.
Nauna akong umalis sa restaurant kaya ito ako ngayon nauna sa bar. Pinuntahan ko nong una sila Galbraith pero wala doon si Third.
Malamang busy kaya yon sa babae niya.
Nasa bar counter lang ako at tahimik na umiinom. Napatingin na naman ako sa katabi ko.
It's Eizhxekel.
Bakit kaya nagpapakita 'to tuwing nasa ganito akong condition. Kakahiya naman sa first crush ko.Tss!
Hindi ko nalang siya binalingan at inisang lagok nalang ang scotch.Halos masamit ako dahil sa pangit ng lasa. I mean hindi para sa mga strong pero para sa akin na hindi ganon ka taas ang alcohol tolerance.
At hindi ako sanay uminom ng mga whisky.
"You're completely a messed right now." Napabaling ako sa nag salita.
Naka tuon lang ang tingin nito sa alak.Hindi ko nga alam kong sino yong sinasabihan. Baka naman sarili nito ang kinakausap.
"You're grown now. I still remember how devastated he is because of your age. But now that you're in a right age hindi kolang maintindihan kong bakit wala padin. I thought masyado lang niyang nirerespeto ang age mo but now I can say that he's really a coward." Doon niya nakuha ang attention ko.Is he talking about me and Third? I mean they became friends naman during their master's and Degrees in States.
"Go chase him. I will get my girl." Gulat man ay hindi na ako nakapag salita ng umalis ito.
My girl? sino naman kaya ang babae nito? No! Impossible.
Tumayo ako at naisipang bumalik na sa puwesto nila Galbraith ng mapangiti dahil nakita ko ito na nakatayo sa harap. Pero agad ding nainis ng makita ang kasama nito. Pero kahit ganon. Wala na akong pakialam. Kanina nga halos ibigay kona sarili ko sa harap ng babaeng iyon. Ngayon pa kaya na nilamon na ng alak ang sistema ko.
BINABASA MO ANG
Hope (L'Fern FirstLove Series 2)
RomanceL'FERN FIRST LOVE SERIES #2 Why do we always grip in destiny? Sabi nila pag tayo tayo talaga. Pero pano kong hindi talaga kayo gusto ng tadhana para sa isa't isa may magagawa kapa ba? How long will it take for him to comeback? Will he come back? Gaa...