RESENTMENT
Days passed by like seconds. It's been a week. Pero hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap ang mga nangyari.
Sobrang bilis ng pangyayari at feeling ko joke lang lahat ng ito.
Ito na siguro yong pina ka relentless na nangyari sa buong buhay ko.
Noong una nasaktan ako dahil nakita ko yong taong mahal ko na hinalikan ng ibang babae. Tapos si kuya.
Si kuya wala na. Tapos nagka watak watak ang pagkakaibigan namin. Si Stella at Vanessa nag away. Hindi kodin sila mahagilap dahil may mga sariling problema din sila na kinakaharap ngayon. Pero naka punta din silang lahat isang beses last three days. Hindi nga lang sabay sabay.
Nasa Rolling Hills kami ngayon. Dito nilagay yong bangkay ni kuya.
At halos isang lingo ko na din sinisisi ang sarili ko. Dahil ako nga siguro ang may kasalanan. Kong hindi dahil sa akin baka hindi nangyari ito.
Pagkatapos kong mawalan ng malay si Dayle yong nag dala sa akin sa bahay. Pag gising ko nasa bahay na ako. At akala ko panaginip lang ang nangyari pero hindi. Totoo lahat ng nangyari.
Halos tatlong araw akong nag kulong at hindi kumakain. Ni hindi ko nga naka usap o nakita si mommy at daddy. Hindi ko alam kong nasaan sila. O kong nasaan si kuya. Hindi ko kayang tanggapin lahat. Pero natauhan ako dahil sa kapatid ko.
"Ate please kumain kana." Hindi ko pinansin si Ysa.
"Ate please." Umiling lang ako at umiyak na naman. Pero agad akong natigilan ng marinig ko itong umiyak. Parang may kong anong kirot sa puso ko ng tinignan ko itong umiiyak sa harap ko habang hawak hawak ang tray ng pag kain.
Tumayo ako at nilapitan siya.
"Ate please eat. Wala na si kuya. Please wag mo din akong iwan. Ayaw mong kumain iiwan modin ba ako?" Napapikit ako at niyakap siya ng mahigpit."I'm sorry. " Paulit ulit kong sambit sa kanya. "No, Ate wont leave you okay?" Tumango naman ito pero umiiyak padin.
"I'm sorry. Shhh stop crying. Kakain na si Ate." Tumango naman ito pero hindi padin mapigilan ang pag agos ng luha sa mata niya. Wala akong nagawa kundi yakapin nalang ito ng mahigpit at pareho kaming umiyak. We stayed like that in a long time. Tahimik ang paligid at tanging mga hikbi lang namin ang naririnig sa loob ng kwarto ko.
I realized dumagdag pa ako sa problema ng pamilya ko. Ni hindi ko man lang nakitang nahihirapan din ang kapatid ko. Hindi lang pala ako ang nawalan. Nawalan din si Ysa pero tinatagan nito ang loob niya dahil kong pareho kaming mag m-mukmok paano na kami.
Nakalimutan kong may kapatid pa pala ako at ako ang mas nakakatanda pero parang ako pa itong pabigat sa kanila. Sarili kolang iniisip ko. Pero siguro dahil sa sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ko at hindi kona na kayanan lahat.
Mommy and daddy needs me. Pero nasaan ako? nasa kwarto nag kukulong. Buti nalang at nandito si Ysa. Dahil sa kanya na realized kong masyado akong nag padala sa emosyon ko. Na kailangan ko munang isantabi lahat dahil kailangan kong maging matatag para sa pamilya ko.
Pagkatapos noon kumain na ako at naligo. Sinamahan ako ni Ysa na pumunta ng Rolling hills. Para akong na estatwa at hindi makagalaw ng nasa labas ako ng hall.
Maraming tao sa loob. At sa bawat hakbang ko parang may matalim na bagay akong inaapakan. Sobrang hirap at bigat sa pakiramdam.
Noong unang araw ko doon. I refuse to go to his coffin. Inunahan ako ng takot na baka hindi ko makayanan. O dahil sa hanggang ngayon hindi ko padin matanggap.
"Zha Condolence." Tumango lang ako at hindi na nag abalang ngumiti sa mga taong nag si datingan.
Pangalawang araw na ng lamay ni kuya. Hindi na ako umuwi. Nag pakuha nalang ako ng gamit sa bahay. Mayroong room at comfort room dito pero mas pinili kong umupo lang at mag puyat.
BINABASA MO ANG
Hope (L'Fern FirstLove Series 2)
RomansL'FERN FIRST LOVE SERIES #2 Why do we always grip in destiny? Sabi nila pag tayo tayo talaga. Pero pano kong hindi talaga kayo gusto ng tadhana para sa isa't isa may magagawa kapa ba? How long will it take for him to comeback? Will he come back? Gaa...