CHAPTER 20

20 4 0
                                    

RIGHT

"Zha are you okay?"

"Huh?" Napatingin naman ako kay Amber. Pero agad ko ding binalik ang tingin sa harap. Wala akong ibang nakikita kundi puro kahoy.

Nasa labas kami ngayon. Ay mali ako lang pala dapat. Ewan ko ba kong bakit nandito ito ngayon sa tabi ko. O baka kanina pa siya hindi kolang napansin dahil sa masyadong preoccupied yong pag iisip ko.

Kanina pa kami naka rating ni Third. Wala kaming imikan buong byahe. Pag baba ko ng kotse niya hindi din ito nag salita. Hindi na din kami nag karoon ng time para mag usap dahil pag baba na pag baba namin agad siyang sinalubong ng mgaakaibigan niya. Hindi ko nalang ito kinulit at dumiretso din ako kina Tasha kanina.

Pero lumabas din ako at umupo dito sa labas kong saan makikita mo ang view sa baba. Ako lang mag isa dito kanina at sobrang tahimik sa lugar na ito. Pero ewan ko kong bakit nandito na ito ngayon sa tabi ko.

"Kanina ka pa?" Tanong ko dito pero ito naman ang tulala ngayon. Mukhang pareho kaming may problema ah.

Napatingin nalang din ako sa harap. "Medyo matagal na." Pagsasalita nito. "You didn't notice me kasi nasa ibang planeta ata utak mo." Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Umiling lang ako at parang iiyak na naman dahil sa naalala ko yong nangyari kanina.

Ngayon pa talaga? kong saan mag i- isang taon na kami bukas. Nakaka inis naman kasi itong timing ni Levine eh.

"Okay kalang? Wag mo nang sagutin. I know you are not." Sambit nito na ikina taas ng kilay ko.

"Eh bakit nag tanong ka pa?" Pagtataray ko sa kanya.

"I don't want to hear you say you're not." Yumuko naman ito. Siguro katulad kodin ay may problema din ito. And I bet my life it's because of love.

"Listen Amber lahat ng tao nakakaranas ng hindi maging okay. You need to accept it. Na kahit anong pilit mong maging okay ang lahat may mali padin. May mga bagay pa din na hindi natin kayang eh kontrol." Parang nakalimutan ko ang sariling problema ng makita itong umiyak.

This is the real Amber Sans Allejo. Ito yong babaeng hinding hindi mo makikita sa camera. Because the Amber in off cam is in denial. Sa sobrang pag fake nito ng arte at drama sa Tv nakakalimutan na niya kong anong totoong nararamdaman niya. Kahit ako nahihirapan na din para sa kanya. Hindi biro ang pag a- artista. Kailangan mo palaging mag sinungaling kahit ayaw mo. I know how it feels dahil kahit wala ako sa showbiz at nasa modeling industry ako parang nagiging controversial din ang buhay ko.

She can't accept to herself that she's not okay. Ayaw niyang makakakita ng taong hindi okay. Ayaw niyang tanggapin at ayaw niyang maka rinig ng hindi okay dahil mula noon nasanay siyang positive lahat. Kahit minsan masakit pinipilit niyang paganahin lahat. But deep inside I know she's dying with her emotions.

Nasanay siyang laging tumatawa sa set at masaya. Dahil iyon ang dapat ginagawa ng isang artista. One time nga siguro 'yon iyong first open up niya sa amin. Lasing kami noon. Gusto niya na daw sukuan ang pag a-artista. Dahil pakiramdam niya hindi daw siya pinaniniwalaan ng mga tao. Dahil pag malungkot daw ito sinasabing nag iinarte siya o nag d- drama.

Wala akong masabi kundi pakinggan lang ang mga hikbi nito at niyakap siya. I hope by this hug ma lessen yong sakit na nararamdaman niya.

Alam kong nag simula na ang party hudyat dahil narinig ko na ang music.

Nandito kasi kami sa medyo tago na parte ng Rest house. While they're in the pool area.

Marami na din siguro ang nandon. Buti nalang malaki yong rest house kaya hindi gaano ka sikip.

Hope (L'Fern FirstLove Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon