CHAPTER 24

25 5 0
                                    

ALIVE

Years passed by like days,
Sunrise will no longer excite us.

May mga pagkakataon na hindi na natin masyado natututukan ang oras dahil sa mga bagay na hindi na sa atin mahalaga ngayon.

May mga oras na hindi na tayo nagagalak at sa pag lipas ng panahon hindi natin namamalayan na maraming araw at pagkakataon na ang nasayang dahil sa isang desisyun mo na hanggang ngayon ay kinikwestiyon mo padin kong tama ba ang ginawa mo.

May mga salita na nawawalan na ng saysay dahil sa nakaraan mo na hanggang ngayon hindi ka padin tinatantanan.

At sa paglipas ng panahon. Marami man ang nag bago. Pero hindi iyong pagmamahal mo para sa kanya.

Umiba man ang pananamit mo, umiba man ang hairstyle mo, umiba man ang attitude mo, umiba man ang paniniwala mo.

Pero hindi ganoon kadaling kalimutan ang taong minsan ng naging bahagi ng buhay mo.

"Earth to Zariah." I got cut out of my thoughts by Bella, snapping her fingers in front of me, raising her brow and looking me like a some kind of droll.

"Huh?" Tanging saad ko na hindi pa din siya napag tuonan ng pansin.

"Sabi ko kaya ka ba nag kakaganyan dahil nasa paligid lang yong ex-boyfriend mo?"  Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Huh? asan?" Hindi maka takas ang excitement sa boses ko habang ginagala ang paningin pero natignan kona ata lahat ng sulok pero walang nakita. Inirapan ko naman ito dahil baka pinag loloko lang niya ako.

"Yan ba ang sinasabi mong hindi mo na siya mahal." I just rolled my eyes at her.

"Wag kang tumingin sa likod. Si Merc nasa counter." Biro ko dito pero hindi ko pa natapos ang pagsasalita agad itong tumingin sa counter. Natawa ako ng mapa irap ito.

"Eh ikaw?" tanong ko dito." Yan din ba ang sinasabi mong naka move on na?" Pareho kaming natawa ng dahil sa para kaming nagisa sa sariling mantika.

"Pero totoong nandito si Third kanina. Pero sandali lang. Hindi mo ata napansin dahil sa pre occupied ka akala ko nga kaya ka ganyan dahil wala ka ng pakialam." Pagpapaliwanag naman nito. Tumahimik nalang ako at mapait na ngumiti.

Because even if 4 years has gone. I'm still hoping that one day. He will come back.

Pero teka, ako naman ang umalis diba? Kaya ba hindi ito lumalapit sa akin dahil ako ang umalis at hindi siya? Dahil sinabi ko sa kanya na ako ang lalapit?Pero bakit parang ngayon hindi kona kayang ituloy.

Nasasaktan pa din ba ako hanggang ngayon? Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Wala na naman. Hindi na ako galit dito. Wala na akong hinanakit. At miss na miss kona siya. It's been years. At sobrang daming nag bago. Sobrang daming realizations.

At sa makalipas na ilang taon. Wala akong ginawa kundi ang ayusin ang pangalan ko sa modeling industry. After 5 months nawala lahat ng masasamang issues about sa akin.

Ngayon mas dumami na ang mga offers sa akin. Binuhos ko ang oras ko sa modeling at photoshoot. Pati runway pinatos kona. Hindi lang sa Pilipinas. Certainly, halos tatlong taon na ako na tumatanggap ng offer abroad.

At sa apat na taon hindi na muling nag kasama kami ng buo ng mga kaibigan ko. Siguro ganon talaga. We need time for ourselves. In order for us to grow individually. We need to grow apart.

Pero everytime naririnig kong may problema sila. Agad akong nakikipag communicate sa kanila. Si Vanessa at Stella ganoon padin. Hindi ko nga alam hanggang ngayon kong tungkol saan ang pinag awayan nila. But okay naman ako sa kanilang dalawa. Wala ding problema at iyon lang talaga.

Hope (L'Fern FirstLove Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon