LOVER
"Hey okay kana ba?" Walang imik akong uminom sa loob ng condo unit ni Stella. Hindi ko napigilang mapaluha na naman dahil sa naalala ko kanina. Hindi ko alam kong anong oras ako naka alis doon basta saktong tumawag si Stella sa akin that time. At dali dali naman itong pinuntahan ako.
Para talaga akong baliw kong makikita mo ngayon. Halos kalat na ang mascara and lipstick ko sa mukha ko. Hindi na nga ako gumamit pa ng baso kundi sa mismong bote na ako uminom. Ni hindi ko man lang narmdaman ang pait kahit wala akong ice na nilagay para lumamig. Siguro na manhid na yata ako ng husto.
Umiling lang ako habang nakatingin sa kanya. Ito na ba yong sign na kailangan ko na talagang sumuko? Kailangan ko na ba talaga siyang bitawan? Siguro nga ganoon nga. Iyon ang dapat gawin.
"Okay Zha that's enough." Umiikot na ang ulo ko at nawalan na ako ng lakas na hablutin ito sa kanya.
"Shtella? I- i want cigarette." Wala sa sarili kong sinabi.
"Girl ano ba. You're lasing na talaga."
"No gimme a cigarette Stella." Pakikipag talo ko sa kanya.
"Bitch remember you don't know how to smoke."
"But I want to try." Sinimangutan ko siya at sinubukang tumayo. Pero napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo. Maya maya wala na akong nagawa dahil para akong hinihila ng antok.
"Omg bitch! ang bigat mo don't sleep."
Rinig kong sigaw ni Stella pero hindi kona maimulat ang mga mata ko.Kinabukasan nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Shit! nasobrahan ata ako ng inom.
Teka.
Napahawak ako sa likod ko dahil pakiramdam ko nag buhat ata ako ng semento dahil sa sakit nito.Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Thank God andito ako sa condo ni Stella. Akala ko kong saang bahay na ako gigising.
Nag bago ata ayos ng kwarto ah. Teka. Bakit may malaking couch sa harap ko?
"STELLAAAAAAA!" napasigaw ako sa inis at napatayo ng matignan kong nasaan ako ngayon.
Napahawak ako sa ulo ko ng biglang naka ramdam ng hilo. Dahan dahan akong nag lakad at dumiretso sa kusina.
Uminom ako ng tubig at naupo sa stool. Masasapak ko talaga siya.
"Goodmorning." Napasimangot ako ng iniluwa nito pinto.
"Anong maganda sa umaga aber?" Inirapan ko siya.
"Ang mukha ko." Napasimangot ako dahil sa kanya.
"Ay nagkakamali ka girl nakakasira ng araw ang pagmumukha mo."
"Wow Zariah over ka naman hah. Ang harsh mo."
"Eh bakit yong ginawa mo sakin hindi harsh?" Mas lalo akong nainis ng ngumiti ito.
"At may guts ka pang ngumiti matapos mo akong iwan sa sala."
"Ay mas okay na nga yan eh kaysa sa ferris wheel ka matulog." Agad namang bumalik sa akin lahat ng alaala kahapon.
Nakaka inis ka Third. Hindi ba naman ako sinipot sa date namin.
Date?
Fine usapan. Hinayaan ba naman akong mag isa sa ferris wheel. Imagine that's my first time riding the ferris wheel tapos mag isa pa ako. Umiiyak at broken hearted tapos makikita ko pa silang magkasama.Mag sama kayong dalawa. Tignan natin kong sasaya kayo. I will do everything para maghiwalay kayo at hindi sumaya.
"Nakakainis ka. Ikaw kaya ang mahiga buong gabi sa semento ni walang banig o kahit ano." Tama ba namang iwan ako sa sala ng mag isa.
BINABASA MO ANG
Hope (L'Fern FirstLove Series 2)
RomanceL'FERN FIRST LOVE SERIES #2 Why do we always grip in destiny? Sabi nila pag tayo tayo talaga. Pero pano kong hindi talaga kayo gusto ng tadhana para sa isa't isa may magagawa kapa ba? How long will it take for him to comeback? Will he come back? Gaa...