Chapter 3

506 9 0
                                    

Varsity


"Yun lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ash habang kumakain kami sa cafeteria.

Tinanong niya kasi kung bakit hindi ko na daw crush si Monteverde, hindi ko nga dapat ikwekwento pa kaso lang mapilit talaga eh. I almost puke telling him the intense part, kumakain pa naman ako.

"What do you mean yun lang? Well, oo at hindi naman ako inosente sa mga ganung bagay. But I guess knowing na it's my crush, nakaka-turn off lang."

"No, hindi yun ang ibig kong sabihin. I mean you believe that? Yani, there are a lot of drunk people in that bar, gawa gawa niya lang yun!" Ash said trying to convince me. Why would he do that?

"They didn't sound drunk habang nagkwekwentuhan noh!" Sabi ko at napaisip doon sa tinawag nila na dummy. "Or maybe, yung isa lang nilang kasama. At isa pa, I witnessed the body shot part!"

"Did you also witnessed the arena - cr part?" He teased. "Joke lang, trust me, made up lang yung story. Pagod na yun si Monteverde pagkatapos ng laro, wala na yun energy para sa extra activities."

"How sure are you? Close ba kayo? And why are you defending him ba? Tayo yung magkaibigan dito!"

"Sige, tatanungin ko nga kung totoo ba." Seryoso niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko! What? "Magkakilala talaga kayo? Close friends?"

"He's my..." Sumubo muna siya ng pagkain at ngumuya ng matagal.

"Sabihin mo na, pasuspense pa eh." I complained, naiinip na.

Nilunok niya ang pagkain at uminom pa ng tubig.

"Eto nanga! He's my..." titig na titig ako sa kanya samantalang ineenjoy niya pa ang pang-aasar sakin.

"We're cousins."

"No way!" Sabi ko kaagad, hindi naniniwala. Then I slowly pieced it together. Asher Ivan M. Rivera.

M. – middle initial.

"Your middle name is Monteverde?"

A smile crept across his face.

"Freak ka! Kaya pala you're defending him!"

"Narinig niya noong sinabi ko na 1 day crush mo lang siya. He got interested in you." Dagdag niya pa.

"Sinungaling! Bahala kayo."

My interest in Vince Monteverde die down lalo na nang naging busy with finals. Paminsan minsan parin naman ako nanonood ng live ng UAAP basketball at paminsan minsan ay inaasar parin ako ni Ash.

"Thanks for saving me a seat!" I smiled at Ash and greeted his girlfriend na katabi niya.

It was a new sem, 3rd year students na kami, one step closer to graduating.

"Ano yang dala mo? May bulaklak ka nanaman?" Pag-iintriga niya.

Napangiti ako sa dalang 1 stem ng red rose. "Bigay ni Trevor Villanueva." Sagot ko.

"Villanueva? Yung captain ng Verdant Phoenix?"

Tumango ako at tinago ang rose. "Nililigawan niya pa ako."

"Sinasabi ko nanga ba eh, you asked about him the last time we saw their group!"

"Sus, so what? Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa mga boyfriends ko?"

"Since... You had a 1-day crush with my cousin."

Binatukan ko siya at binaby naman siya agad ng girlfriend niya.

Disturbing The Calm WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon