Chapter 1

798 17 0
                                    

Umbrella


Binuksan ko ang link na ni-send sakin ng kaibigan.

Top 10 Most Expensive Universities in Manila

1. Alvyno Central University (ACU)

2. University of National Alvyno (UNA)

3. Le Grand Alvyno University (LGAU)


Napahinto ako sa list nang makita agad ang pangalan ng school. 3rd most expensive ang school namin? Not that hindi ko alam na napakamahal ng tuition ko every sem, di ko lang ineexpect na top 3 ito. I thought it's at least top 5 or 6 pa.

"That's all for today, you may now go." Itinago ko kaagad ang aking cellphone nang marinig ang sinabi ng aming professor. Tapos na pala siya sa lesson namin ngayong araw, patay di nanaman ako nakinig.

"Yani, tara na, nagugutom nako." Sabi ng kaibigan kong si Asher. Kakadismiss palang samin ay handa na siyang umalis, ballpen lang naman kasi dala niya kapag pumapasok kaya hindi kailangan magligpit.

Mabilis kong siniksik ang mga gamit ko sa bag, nang natapos na ako, lumabas na kami ni Ash at nag-elevator na pababa.

"Isipin mo na kung saan tayo kakain, susunduin ko lang si Lyla, sa may library lang yun."

Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Umupo ako sa may bench para hintayin siyang matapos. Lyla is Asher's current girlfriend, isa sa mga tumagal ng 3 months na girlfriend, actually.

Ash and I were friends since day 1 ng college. 1st period palang late na siya noon and he had to sneak in the classroom. Pasimple siyang umupo sa tabi ko dahil bakante yun at malapit sa may pintuan. We're both friendly and outgoing so we hang out with each other. He was fun to be with, maloko at maingay plus drama free!

Sa previous school year na magkasama kami he's already changed countless girlfriends. Well, ako rin naman, pinapantayan ko siya, papalit-palit din ako ng boyfriends. Kaya our group of friends are temporary people who come and go, kami lang dalawa ang constant.

Naputol ang pag-rereminisce ko nang narinig ang tili ng isang babae sa kabilang bench.

They were a large group of friends and judging them, I think they are first year students. Observation ko lang naman yun dito sa school namin, kapag freshman ka kasi, you don't have that intimate group of close friends yet dahil getting to know stage palang, so you normally would hang out with your blockmates.

"Oh. my. gosh." Sabi ng isa at napatakip pa sa bibig.

Sinunod ko ang tingin nila at nakitang may dumaan na isang grupo ng matatangkad na lalaki. Most of them have duffle bags with them.

"Si- sila Vince Monteverde yung dumaan?" Tili ng isa pang babae at niyugyog pa ang kaibigan.

"Omg, omg nakita niyo din? Parang mas crush ko na yung #28." Kinikilig na sabi ng isa.

Hindi ko kilala ang fina-fangirl nila pero hula ko ay mga varsity players. Hindi ko lang alam kung anong sports.

"Anong meron?" Napalingon ako kay Asher na kakabalik lang kasama na si Lyla.

"Ah, may dumaan na varsity players, crush nila." Sabi ko.

Tumayo ako para makaalis na kami habang ang freshies ay nagpatuloy pa sa pag-uusap tungkol sa mga varsity lalo na doon sa Monteverde na apilido. I hear that surname often pero wala akong idea kung sino yun dahil hindi naman ako mahilig manood ng sports.

"YANNA AZALEA LEE!" Napatalon ako sa biglang sumigaw ng pangalan ko.

"What!" Iritado akong lumingon at nakita si Ash na papalapit.

Another normal day with this loud guy.

May hawak siyang libro namin sa MATWRLD, a minor subject. "Buong buo?" Tanong ko pertaining to my full name.

"Pakopya! Hindi ko alam na may homework pala." Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang libro sa tamang pahina.

"Gumagawa palang din ako, nakalimutan ko eh." Sabi ko habang napamasahe sa ulo dahil nahihilo na sa dami ng numbers.

I'm not the type of student na sobrang hardworking at serious sa pag-aaral, hindi rin yung puro kopya nalang at pabuhat sa groupmates. I'm more in between, tamang review lang, tamang kopya pag hindi talaga kaya. I'm an average student with 'cramming at its finest' ang motto.

"Ano? Kaya pa ba ng utak?" Pang-aasar niya. "Teka nga, akong bahala." Sabi niya at umalis para maghanap ng sagot.

Sinundan ko siya ng tingin na umupo sa tabi ng isang scholar.

"Wala pa nga talaga akong gawa, swear. Wag mo akong pestehin, Ash. Ginagawa ko pa paper namin sa marketing. Baka si Angel meron, masipag iyon." Masungit na sabi ni Joan para paalisin siya.

Sumimangot si Ash sa kanya pero umalis din para tanungin si Angel.

Napangiti ako nang ibinigay ni Angel ang libro niya kay Ash.

"Is it alright if...sabay tayo maglunch mamaya?" Nahihiyang tanong ni Angel kay Ash.

Napa-awang ang bibig ni Ash samantalang ako ay pinipigilan ang malakas na tawa. He turned to look at me to ask for help.

Sinenyasan ko siya na pumayag na, break naman na sila ni Lyla eh. Mas importante ang sagot sa homework.

"Hoy, sumama ka mamaya sa lunch, kumokopya ka din eh!" Bulong niya sakin habang pareho kaming busy kumopya ng homework.

"Parang Angel prefers to be with you alone. Date, ganun." I said teasing him.

"Please!" Pag-mamakaawa niya habang tinatawanan ko siya.

Iyon nga ang nangyari sa lunch time, inaya niya ako sa harap ni Angel kaya wala naman na din nagawa si Angel kahit ayaw niya akong kasama. Besides, everyone knows that Asher and I are just friends.

"Oh em, bakit umuulan? Kung kelan namang iniwan ko yung payong ko." Maarteng sabi ni Angel.

Nasa may gate palang kami ng school at hindi makalabas dahil sa ulan.

"Meron ako, kaso isa lang." Si Ash.

Suddenly an idea came to me. "Alam ko na, ihatid mo muna si Angel, tapos balikan mo nalang ako dito."

Para naman magkaroon sila ng alone time na hinahanap ni Angel. Oh diba with my idea, Ash would become a knight in shining armor that saved the day because he has an umbrella.

Kunot-noo akong tiningnan ng kaibigan. "Go, I'll wait here." I urged.

"Kapag ikaw, tumakas..." He said bago nahila ni Angel paalis.

Natawa ako sa huling sinabi niya. Alam ko na hindi niya bet si Angel kaya nga sasamahan ko siya. I kind of take part din naman dahil kumopya din ako. Sinundan ko ng tingin ang dalawa na mukhang ang sweet kapag nakatalikod.

Napatalon ako nang biglang nagsalita ang katabi ko. "Friendzone? Here, you can use my umbrella."

Nanatili akong nakatayo, hindi nagets ang sinabi niya. He pulled my arm and put his umbrella on my hand. Basa iyon.

Tinalikuran niya ako at pumasok na sa loob ng school, leaving me shocked.

Doon ko lang napansin na jersey shirt ang suot niya at may 'Monteverde' na print sa likod.

Freak! Siya yun? Ang gwapo pala niya.

Disturbing The Calm WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon