Chapter 4

481 11 3
                                    

Fangirl


Tahimik lang ako feeling embarrassed.

Embarrassed that my best friend sold me to my ex-crush, embarrassed that the whole class had to see me in this state, embarrassed that people are freaking staring at me!

Sigurado ako namamaga ang mukha ko at siguro ay kulay pula ito. Is there more? Distorted na ba itsura ko kaya nila ako pinagtitinginan?

"Here, use it to cover your face." Vince offered his handkerchief.

Tinangap ako iyon. I lightly pressed it on the right side of my face. Ngayon ko lang yata nafeel na napakalayo naman ng clinic.

When we finally entered the clinic, binaba ko ang handkerchief.

"Oh, anong nangyari dyan?" Nag-aalalang tanong ng nurse.

Is it bad? Bakit ganyan ang reaction niya! Hindi ko pa nachecheck ang itsura ko dahil parehong nasa bag ang phone at mirror ko.

Vince explained the situation and they let me sit on a bed pagkatapos ma-clear sa eye check-up.

They just wanted to make sure that my vision is okay since doon banda natamaan at malakas pa ang pagkakatama sa mukha ko.

Dahan-dahan kong inangat ang cold compress sa mukha ko. I looked at Vince na nakatayo sa tabi ng kama, hindi pa umaalis.

"I'm fine now, thank you for the help." I winced when I accidentally pressed it too hard on my face.

"Mamaya na ako aalis, pagkadating ng boyfriend mo." Sabi niya at naupo sa katabing kama.

Kumunot ang noo ko. Boyfriend? "Oh, you mean Asher? He's not my boyfriend! We're BESTfriends. May girlfriend yun."

"Na-friendzone ka ba ng pinsan ko?"

"Ha? Friendzone?" Binaba ko ang cold compress dahil sa narinig. It's absurd! "No, you got it all wrong. Platonic lang talaga kami ni Ash, tropa kami nun!"

He raised his brows. "Okay." Seryoso niyang sabi bago inilabas ang phone para mag-scroll.

Napapikit ako ng mariin, ang awkward! Ano ba naman yan, what happened to my social skills?

I saw him scrolling on his IG. I debated kung tatanungin ko siya or not when he suddenly looked up to me.

"Uh..Uhh do you have a mirror?" I pursed my lips.

Inilahad niya ang phone niya. Tumitig pa ako saglit bago narealize na pinapahiram niya yun sakin para magamit ko ang camera app sa pagchecheck ng mukha ko.

"Ohh...My... I looked like a meme!" I exclaimed.

Kapag tinakpan mo ang right side ng mukha ko, I still looked like Yani, kapag tinakpan mo naman ang left side ng mukha ko, I looked like a different person!

I glared at Vince when I heard his laughter.

"It will subside." Iginiya niya ang kabilang kamay ko na hawak hawak pa ang cold compress papunta sa mukha ko. "Just put this on."

Umalis si Vince after receiving a call, he looked apologetic when he went out. What a scam! Sabi niya ay aalis siya pagkadating ng pinsan niya.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na ang P.E class at nasa harapan ko na si Ash. Malakas siyang tumawa nang nakita ang itsura ko.

"Thank you sa concern." Sarcastic kong sabi.

Tinikom niya agad bibig niya. "Ito naman, pinapatawa lang kita eh."

"Well, it's not funny!" Masungit kong sabi. "Ikaw kasi eh, tinawag tawag mo pa ako, sa mukha tuloy ako natamaan."

"Tinawag kita kasi nakita kong matatamaan ka na ng bola, malay ko ba na lilingon ka at hindi iiwas."

Disturbing The Calm WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon