Chapter 5

619 16 5
                                        

Date


From Asher, 01:00 PM

Go! Kaya mo yan. #TeamSecretAdmirer


Basa ko sa text ni Ash one afternoon. I'm on my way to meet this person MVJ dahil iyon ang nasa note niya sa araw na ito.

Mabuti naman at nasa isang classroom lang dito sa school iyon. Kung sa labas to ng school ay hindi ako pupunta noh, baka mapano pa ako.

Taas noo akong naglalakad sa hallway papunta sa classroom. Sinilip ko muna sa pinto ang loob ng room at may nakitang isang lalaking nakatalikod sakin. He is sitting on the table, may tinitingnan na kung ano.

I knocked 3 times before going in.

Nalaglag ang panga ko nang tumayo ang lalaki at humarap sakin.

Vince Monteverde?

Bakas din sa mukha niya ang pagkagulat.

Kinuha ko ang papel at tiningnan muli ang room number na nakalagay. Lumabas pa ako ng room just to check if nasa tamang room ba ako.

Tama naman.

"You are MVJ?"

He just stared at me, looking confused. Binigay ko sa kanya ang papel para mabasa niya.

"I am MVJ?" Tanong niya sa sarili, naguguluhan din.

"Then why are you here?"

Lumapit ako sa kanya nang may inabot din siyang papel. I looked at it at nanlaki ang mga mata.

'Let's date. Meet me at RM. A1106 -Yanna Lee.'

Walang hiya! Nag-init ang dugo ko nang may naisip. Mabilis kong ni-dial ang number ni Ash.

"Asher Rivera!" Sigaw ko sa phone. Lumayo ako konti kay Vince dahil nakakahiyang mag-wala sa harapan niya.

"Chill, Yans." I heard him laughing!

"Anong trip to?" Gigil kong tanong. "Where are you? Patay ka sakin."

"Save me, Vini!" Sigaw niya, akala siguro nakaloud speaker ako. I checked on Vince at nakitang nakapamaywang lang ito, waiting for me to finish.

"Anong help? Walang tutulong sayo. Mamaya ka talaga."

"Oo tama yan, magdate ka muna dyan, mamaya mo na ako patayin. Enjoy." Just like that, he ended the call.

Gosh! I want to smack him in the face so bad! I tried to compose myself before facing him again.

"Sorry, nasayang pa ang time mo. Asher was just tripping, pinaglaruan lang tayo. Sapakin mo nalang kapag nagkita kayo." I advised bago tinalikuran na siya para umalis.

"Just4monteverde" Bangit niya bigla. Crap! I stopped mid-step.

"That's it? Aalis na tayo? How about the date?" Naglakad siya sa harapan ko.

"D-Date?" I stuttered. "I already told you, kalokohan lang ni Asher ito."

"But, I came here for that." Seryoso niyang sabi. "Nandito naman na din tayong dalawa kaya tara na, ano bang gusto mong gawin?"

Napahawak ako sa ulo ko, na-sstress. "Gusto kong sugurin si Asher."

"Fine." He laughed a bit. "Pero mamaya na yun, let's grab dinner first. May training pa ako mamaya."

"I don't want to!" Agap ko.

"Why?" He asked, raising a brow.

"You're aware that I'm dating your captain right?" Imagine how awkward would that be!

Disturbing The Calm WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon