Concern
Sumabay kami sa varsity bus pabalik ng school. Nakakahiya sa coach kahit na sabi niya ayos lang naman, we are also students of Le Grand and friends naman ng players.
Si Ash on the other hand, hindi man lang affected ng hiya dahil apparently, he's already done this a few times.
May celebration ulit sa District 9 bar kaya doon ang diretso namin ngayon after a quick dinner.
Our blockmates are not around this time, kung meron man iilan lang yun na nandito para sa usual Friday party. Kaya we seated with Vini and his friends.
"Drinks on me tonight!" Sigaw ni Trevor na nakatayo na sa isang table.
"Yes, yan ang gusto ko kay captain eh." Sabi ni Benj.
"Pero kapag talo, bugbog naman ang sineserve." Caden said, shaking his head.
My eyes widened! "Binubugbog kayo?"
"Hindi naman." Agap ni Finn. "Mainit lang ulo niya pagtalo, it's normal."
Vini and Ash went somewhere at pagkabalik nila may tig-dalawang hard liquor na silang dala sa magkabilang kamay.
Both went to sit beside me, magkabilaan.
"Kaya? Yani?" Tanong ni Caden na nagsasalin ng drinks sa shot glass. He offered me one.
"Sure." Sagot ko, hindi umaayaw sa inuman. I drank it in one shot.
Pumalakpak sila pagkatapos ko. Tumayo ako para kunin ang bote ng alak kay Caden at sila ang pinagsalinan. A trick, para sila ang malasing at hindi ako.
"Ako na dyan oh, magkatuwaan lang kayo dyan." I smiled evilly at my plan.
I poured all of them drinks at pinilit silang inumin yun, mabilis na naubos ang unang bote kaya binuksan ko na ang pangalawa.
Napansin nila yun kaya pinainom din ako, nakadalawang shots pa ako ulit.
"Madalas ka dito?" Vini whispered on my ear so that I could hear him.
He was so close that I could smell the liquor from him. Kumalabog agad ang puso ko.
"D-dati, madalas. Nagyon occasional nalang, kapag inaaya ni Ash."
He nodded then casually draped one of his hand on the backrest.
Nasa pangatlong bote na kami when the people on our couch started to disperse. Nasa dance floor na ata ang iba, yung iba naman ay lumipat na sa ibang couch.
Kami nalang tuloy ni Vini ang natitira. He refused to leave my side pero nung pinagather ni Trevor ang lahat ng players ay wala siyang nagawa kung hindi lumapit.
Natagalan siya doon dahil nag speech pa si Trevor kahit na mukhang wala namang nakakarinig sa sinasabi niya dahil sa lakas ng tugtog ng bar. He's probably drunk.
May naki-upong dalawang babae sa couch namin, probably cheerleaders because they still have the same hairstyle. Pareho silang may hawak na isang glass ng inumin.
"Hi, do you mind? Dito muna kami while waiting for our friend." Turo niya sa banda nila Trevor.
"Sure." I answered, gesturing them to sit down.
"I'm Julie, by the way." Pakilala niya sa sarili. "This is Trisha. We're part of the Le Grand Phoenix Pep Squad."
She smiled brightly at me being so talkative. I don't know if it's because she's drunk kaya she's being friendly pero nakipagconverse nalang din ako.
She even dragged me to take a picture with them pagkatapos ay nipost sa Instagram story niya. She tagged me after asking for my username.
She is totally drunk!
![](https://img.wattpad.com/cover/44019894-288-k355708.jpg)
BINABASA MO ANG
Disturbing The Calm Water
General FictionYani Lee is a pastry chef that just came back home after graduating from her patisserie degree program abroad. She aims to open her own cafe and provide unique and tasty food and drinks for her customers. While preparing for her cafe's opening, she...