Yes
Kumakalabog ang puso ko habang nag-dridrive.
Kabado o excited? Hindi ako sigurado.
Kanina ay hinatid ko si Ate Stella sa café, siya muna ang papalit sakin habang wala ako. Nagbilin rin ako sa group chat ng staff ko ng mga paalala, mostly it's about cooking and the recipes, sa pagbabantay ng café naman ay alam na nila iyon and I trust them in that.
After that, dumaan pa ako sa isang party decor shop to pick up a few things.
Sa likod ng kotse ay puno ng mga helium aired balloons, meron din akong binili na packs ng iba't ibang kulay ng hindi pa inflated na ballons at balloon letters din.
This is the day!
Ilang lingo rin namin itong pinagplanuhan at siniguradong ma-pupull off. Still, I'm feeling nervous about what will happen tonight. I used to be excited at surprises pero ngayon mas kinakabahan na ako sa magiging result.
Everything will be fine. It will go well.
Sinalubong ako ni Kuya Case sa driveway ng The Sphere. "Welcome back, chef."
I'm back, La Verde!
I gave him a smile and greeted him back. Alam niya ang mangyayari mamaya at tutulong din siya sa pag-aayos ng venue.
"Dumating na ba yung flowers, kuya?" I asked.
"Oo. Pinadala ko na sa taas. Let's go?"
The surprise will take place at the rooftop. Restricted iyon sa mga resort guests sa araw na ito para sa mangyayari mamaya.
When we reached the rooftop, busy na mga hotel staff ang sumalubong sa amin. Like them, I got myself busy and helped in setting up the venue. Ang dami pang kailangang gawin at i-check!
We only took a break during lunch time at pagkatapos nun, balik na sa pag-seset up.
"Kuya, check ko lang din yung food ha?" Paalam ko sa kanya.
"Sobrang hands on mo naman." He chuckled. "Papahatid nalang kita kay Sergio para makapasok ka sa kitchen. Hihintayin ko na si Flint dito dahil nasa baba na daw siya."
Tumango ako at sumunod kay Sergio pababa sa kitchen ng hotel at ginawa muna ang sanitation processes bago pumasok sa loob.
"Chef Manalo." Tawag ni Sergio sa isang may katandaan na na chef. "Nandito po si Chef Yani."
"It's my pleasure to finally meet you po, chef." I greeted him and offered a hand.
He shook my hand. "Nice meeting you, Chef Yani. I heard you specialize in pastry?"
"Yes po. I just came down to see if I could be of any help."
"Come, check out our team!" Pag-aya ni chef.
He toured me around the kitchen kung saan busy ang iba't ibang chefs sa paghahanda at pagluluto. Some were cooking for the hotel restaurant, some for room service and a few are working on the food for the surprise dinner later.
Nakita ko ang paghahanda nila para sa dessert at tinanong nila kung may suggestion ba ako. Of course, I said what's on my mind kaya tumulong pa ako konti sa pag-plating ng dessert. Natagalan tuloy ako bago nakabalik sa roof top.
Kumunot ang noo ko nang nakita si Vini na nag-ssprinkle ng petals sa table at sahig. What is he doing here?
Namataan ako ni Kuya Flint kaya lumapit siya agad sakin.
He exhaled deeply. "So, how's everything going?"
Natawa ako sa kabadong itsura niya. "Chill. It's going smoothly! Don't worry." I assured him.
BINABASA MO ANG
Disturbing The Calm Water
Genel KurguYani Lee is a pastry chef that just came back home after graduating from her patisserie degree program abroad. She aims to open her own cafe and provide unique and tasty food and drinks for her customers. While preparing for her cafe's opening, she...