WEOB 9

235 14 0
                                    

"Are you okay if you'll sleep alone in this room? Hindi talaga pinapagamit ang kwartong 'to nila mom at dad. But you'll sleep here, okay? Hindi naman sila magagalit doon."

Napatitig ako sa mukha ni Vin habang iminumuwestra niya ang isang kwarto. Kulay tsokolate ang pinto niyon at nang pihitin nito ang seradura, tumambad sa akin ang napakalinis na puting silid na may halo ring tsokolateng pintura. Wala man lang akong nakitang alikabok sa mga gamit kahit hindi talaga ginagamit ang kwartong ito.  Well-maintained ang kalinisan.

Pumasok ako sa loob at ihinarang ang aking kamay sa may pintuan. Sumandal naman ang nobyo ko sa hamba ng pinto habang pinapakatitigan akong mabuti. Kumunot ang noo ko dahil parang may gusto siyang sabihin sa akin.

"Gusto mo ba'ng tabihan kita dito? We can cuddle if you want," ipinaskil niya ang pilyo niyang ngiti at saka itinaas-baba ang kanyang kilay. Napairap ako. Ano na namang iniisip ng lalaking 'to?!

Inirapan ko siya at saka umiling. "Pahiram ng charger. Gusto kong tawagan sila Mommy Ai at Daddy Theo," naglahad ako ng kamay.

Ngumuso siya at nagkamot ng batok. Ilang segundo lang ay nagliwanag ang kanyang mata at napatanga ako nang dire-diretso siyang naglakad papasok sa tutulugan kong kwarto. Tinabig niya pa ang braso kong nakaharang sa pinto kani-kanina lamang! Ano'ng problema niya?

Nagmartsa ako papunta sa kanya at nakita ko si Vin na nakahilata na sa malambot na kama. Ngiting-ngiti niya pa akong pinagmasdan habang ginagawang unan ang kanyang braso.

Pumameywang ako sa may paanan niya. Tumitig lamang siya sa akin pabalik. Tinaasan ko siya ng kilay at saka naglahad na naman ng kamay. "Charger, please...Kailangan kong tawagan ang mga magulang ko, Vin."

Bumalikwas siya at saka umupo. Sumeryoso bigla ang kanyang mukha. What's with this robot? Bakit ba paiba-iba na lamang ang facial expression nito?

He sighed inwardly. "Hindi naman talaga ako nagsisinungaling, Azi, I swear." Nagtaas pa siya ng kamay na para bang isang Pangulo na nanunumpa sa kanyang katungkulan.

Nagkibit-balikat ako at mataman siyang tinitigan. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita habang tumititig sa akin ng diretso. "I really told them about us, baby. Nagmaldita pa nga ang mama mo sa akin but when I let her see the Begonia plant, Red Lipstick plant, Money tree, San Francisco and Bonsai that was placed on the trunk, she immediately agreed. Pakasal na daw tayo basta sa kanya na lang ang mga halaman na tinanim ko."

"Pakasal?! Nakahithit ba ng katol ang mama ko para sabihin niya 'yon sa 'yo at ipagpalit ako para lang sa mga halaman na 'yon?!" Pinagkrus ko ang aking braso at tinaasan siya ng kilay. "At saka tinanim mo 'yon? Weh? Plant tito ka pala? Sure ka talaga diyan, ha?"

"Bakit ayaw mong maniwala?" Humaba ang kanyang nguso habang itinatanong iyon. "Marunong kaya akong mag-alaga at magdilig...ng mga halaman." Ngumisi siya sa akin at binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

"Edi, ikaw na ang marunong!" Hardinero-slash-future doctor pala 'tong nobyo ko!

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis, para na nga'ng mapupunit ang kanyang labi sa ginawa niyang iyon. "Gusto mong alagaan at diligan din kita?"

Kumunot ang noo ko at naguluhan sa sinabi niya. Wala akong maintindihan. Humaba ang nguso ko nang may pumasok na ideya sa aking isipan. "Ha? Ano'ng diligan? 'Di ba para sa halaman lang ang pagdidilig, Vin?! Bakit ako napasama, mukha ba akong gulay sa 'yo?"

Napahagikhik siya at bumalik sa pagkakahiga. Napatili pa ako nang bigla niya akong hilahin para tumabi sa kanya sa kama. Tumagilid siya upang pagmasdan ang mukha ko.

"Gusto mong subukan natin kung ano 'yon?" Itinaas-baba niya ang kanyang kilay habang hinihimas-himas ng kanyang mga daliri ang kanyang baba.

Mabilis akong umiling, "ayokong mabasa, 'no! At saka sa kwarto talaga, nababaliw ka na ba, Vin?! Sa garden lang puwedeng gawin ang pagdidilig!" Untag ko.

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon