WEOB 12

255 10 0
                                    

"Ganyan ka ba talaga ka-alcoholic? I am not a doctor but I know that it will complicate your liver. Aren't you afraid if that will happen to you? Akin na nga 'yan!"

Nabigla ako pagkatapos kunin ni Tres ang dala kong bote ng alak. Imbes na magbantay siya sa counter dahil doon siya nakatoka ay nandito siya sa harapan ko ngayon.

Halos dalawang linggo na akong nakatambay dito sa tinatrabahuan niyang convenient store at hindi na sa BGC na kadalasan naming tambayan nina Shira at Kin. Hindi na ako palaging lumalabas kasama sila.

At halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas nang mangyari ang tagpo namin ni Vin sa tapat ng condo unit ko. It was all vivid. Ramdam ko pa rin kung paano niya hawakan ang kamay ko at halik-halikan ang likod niyon. And everything is questionable. Magulo. Hindi ko lang talaga maintindihan ang lahat-lahat!

Oo, tinanong ko siya noong mga oras na iyon kung tatanggapin ko pa ba ang taong nagbalik sa buhay ko. I also asked him if he really wanted to be in a relationship with me again but what did I get?! A sigh! Just a fucking sigh from him!

Ano'ng klaseng sagot 'yon?! Palagi na lang ba akong walang makukuhang sagot galing sa kanya! Palagi na lang ba akong mangangapa? What kind of person is he?! Hindi ba siya marunong magpahalaga sa mga tao sa paligid niya? Hindi niya ba ako kayang pahalagahan? 'Cause I really feel worthless in his blue eyes. I really am!

Hindi niya ba alam kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin noon? Or can he even feel pain? Kasi sa totoo lang, unti-unti nang nawawala ang pag-asa sa puso kong magbabago siya. Na baka ay may mahagilap akong paliwanag galing sa kanya. Pero wala. Wala naman pala.

Pinakinggan ko ang sigaw ng utak ko sa mga oras na iyon na huwag nang magpakatanga. I did what I believe is right for the both of us. Oo, hindi lang ako dahil pareho kaming nasa iisang bangka sa mga oras na iyon.

Is this what being selfish and at the same time selfless feels like? Baka ganoon nga ang pakiramdam. Masikip ang puso at parang may kung anong bikig sa lalamunan. Gusto ko ring lumuha pero ubos na iyon, ayaw na nilang lumabas pa.

Hindi ko na kayang magkasakitan pa kami nang husto so I started walking away without taking a glance at him. Sumakay ako pabalik sa elevator at dito agad ako dumeretso sa gabi ding iyon habang iniiyak ang lahat sa bisig ni Tres. He consoled me.

"Sa 'yo na lang 'yan, Tres..." Walang gana kong turan at isinubsob ang ulo sa puting lamesa habang inuunan ang dalawa kong braso na nakalapat din doon.

Napapalatak siya at nagkamot ng ulo. "Hindi ako puwedeng uminom at hindi rin ako umiinom ng alak. Wala akong bisyo at saka isa pa, papagalitan lang din ako ng manager dito sa 24/7 na convenient store na ito kapag ipapasubok mo 'yan sa akin. Ubusin mo na lang 'yan, Ma'am K1..."

Kinuha niya ang kamay ko. Ramdam ko rin ang init at gaspang ng kanyang kamay. Mahina akong napangiti habang magkalapat ang palad naming dalawa pero bigla din iyong napalitan ng malamig na bote ng alak. So he's really urging me to continue drinking?

Napangiwi ako habang sapo-sapo ko ang aking ulo. Nag-angat ako ng tingin sa hindi ko na masyadong maaninag niyang mukha pero alam kong hindi naman nabawasan ang kaguwapohan niya.

Tumaas ang sulok ng labi ko. My eyes are filled with amusement while staring at the man in front of me. Nandito na sa harapan ko ang depinisyon ng tall, dark, and handsome. Bakit ba sobrang guwapo ni Tres? Ang tingkad pa ng tsokolate niyang mata na puno ng emosyon.

Kung wala kaya siya, sino'ng bisig ang iiyakan ko ngayon? Would I rather spend sleepless nights with the thoughts that always flashed back right through my very eye? Or would I do what I'm doing right now, drowning myself in alcohol?

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon