WEOB 39

298 4 0
                                    

Nakatulog kaming dalawa ni Tres sa rooftop ng hospital. Sanay ako sa maginaw dahil iyon ang gusto kong klima at sa palagay ko rin naman ay ganoon rin siya.

Hindi pa sumisikat ang araw ay nabulabog na ang tulog ko sa busina galing sa mga jeep na nagsilbi bilang isang alarm clock.

Nagbaba ako ng tingin sa palapulsuhan ko at nakita ang oras sa suot kong relo. Alas kuwatro y media pa lang ng umaga at hindi pa sumisilip ang haring araw pero kumakayod na ang lahat para magkapera.

Ginising ko si Tres na nakahilig ang likod sa malamig na pader ng hospital habang nakapulupot naman ng mahigpit ang kaniyang braso sa aking baywang.

"Tres, gising na..." Nangingiti kong anas dahil ayaw niya talagang gumising. Muli ko naman siyang niyugyog pero parang wala namang epekto. "Uy, mahal, ang hirap mo namang gisingin..."

Tinitigan ko ang mukha niya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Malamig ang gabi pero mainit ang yakap niya kaya sapat na iyon para hindi ako ginawin.

Kumibot bigla ang mapupula niyang labi at ngumuso pa siya. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi at pinigilan ang aking halakhak.

Mukha kasi siyang batang iniinis ang mga magulang niya habang nangangaral ang mga ito sa kaniya. Pagkatapos ay pinagalitan na naman siya dahil sa pagmi-make face kaya napanguso na. I don't know... He's just really cute and adorable.

Huminga ako ng malalim, ihinilig ang ulo sa dibdib niya at pinakinggan ang kalmadong pintig ng kaniyang puso.

Nag-angat ako ng tingin sa mukha niya at hinawakan ko iyon gamit ang aking kamay, inuukit sa aking isipan ang guwapo niyang mukha.

I thought I'll lose him yesterday night. I thought he'll slip away from my grip. I thought he will leave me like some people in my life did. But it was only just a thought.

Nakahinga ako ng malalim, tumingala sa langit, tinitigan ang buwan at saka muling nagbaba ng tingin sa mukha ni Tres. I would love to see his face everytime I wake up. I want to feel his warm body close to mine. I want him all for me.

I saw how Tres' lips quivered. Kumunot ang noo ko at agad na nilapat ang likod ng aking kamay sa noo niya. He's not cold and neither warm, wala naman siyang sakit.

My forehead creases once again when he murmured something. It was almost inaudible but I tried to understand every word that left his mouth.

"M...M-Ma'am, I lo...love you... S...S-Sorry iniwan kita noon, but please d...don't leave me now. Not y-yet! Please give me one more time to prove to you that I'll be better, just let me stay by your side! P-Please, ma...hal, d-don't pushed me away..." He cried and cried and cried as he shook his head, still not opening his eyes even if I gave all my best to wake him up. "No! N-No! Just no! Don't leave me, Scyther, I love you!"

Napaiyak ako nang magwala siya at iwinaksi niya ang kaniyang braso sa pagkakahawak sa baywang ko. Masakit sa aking marinig na umiiyak siya nang dahil sa akin kahit na sa panaginip lamang iyon.

Nagmulat ng mata si Tres. Umiyak siya ulit at nagpa-iling-iling, pilit na iwinawaksi ang panaginip na bumabagabag sa kaniyang isipan.

I hold his hand, he looked at me and his face softened. He's not tensed anymore, his shoulder is not shaking and his breathing is normal now.

Nang magtagpo ang aming kulay tsokolateng mga mata ay agad niya akong niyakap nang pagkahigpit-higpit. His shaky fingers run through my hair as he kissed the crown of my head for countless of times. I cried because of the swelling emotions in my system.

Kinapa niya ang pisngi ko at pinakatitigan niya akong mabuti. His forehead touched mine and his warm breath fanned my red lips.

"I t-thought I lost you..." Nanginginig ang boses niyang usal at ginawaran ng mabilisang halik ang aking labi. "I'm sorry, ma'am. I'm sorry for leaving you seven years ago. I know that I am a coward for not fighting for my feelings towards you. Tinanggap kong susuko na lang ako dahil hindi naman ako ang nauna. Hindi naman ako ang una mong nakilala. Hindi naman ako ang una mong mahal..."

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon