WEOB 6

286 9 0
                                    

"Bakit sobrang dilim naman yata? Ano ba'ng klase ng palabas ang papanuorin natin dito sa sine?"

Pinagkrus ko ang braso ko sa aking dibdib habang ngumunguso sa katabi ko na ayaw naman akong pansinin. Naglahad lang siya ng popcorn at hindi sinagot ang tanong ko kaya sumimangot ako pagkatapos ay mariing kinurot ang tagiliran niya. Wala siyang reaksyon sa ginawa ko at mas kinulit ko pa siya nang dahil do'n pero nasa malaking screen lang talaga sa harapan namin ang atensyon niya.

"Date ba talaga 'to? Parang hangin lang naman ang katabi ko," pagpaparinig ko sa kanya at tumikhim siya nang dahil sa sinabi ko at umayos ng upo. Iyon lang ang ginawa niya na para bang walang naririnig galing sa akin.

Kumuha na lang ako ng popcorn at pinaglaruan ang cellphone ko. Hindi pa nagsisimula ang pelikula pero sobrang tahimik na sa loob ng sine. Bakit kaya? Lumingon ako sa katabi ko na naglahad ng kamay na may lamang popcorn. Doon na lamang ako kumuha dahil mas mahirap kung dudukot pa ako sa lalagyan niyon.

Itinuon ko ang aking mata sa screen at bumungad ang title ng pelikula. "Friday the 13th? Action movie 'to, Vin?" Bulalas ko at nilingon siya.

"Magugustuhan mo 'yan," anas niya at tipid na ngumiti.

Nagpatango-tango ako at ipinagpatuloy ang panonood. Alam niya bang action movies ang gusto ko? Nakapag-research na naman ba siya ng tungkol sa akin? Ang effort niya kung gano'n. Umiling na lang ako at kumuha pa ng popcorn sa kamay na nakalahad.

Hinagilap ng mga daliri ko ang pagkain sa kamay ni Vin pero ubos na pala iyon. Nabigla na lamang ako nang dahan-dahan niyang pagsalikopin ang kamay naming dalawa at hinigpitan pa ang pagkakahawak nito. Parang lumundag-lundag ang puso ko dahil sa inakto niya at lihim akong napangiti.

Kahit nakailang flings na ako, iba pa rin ang dating ni Vin sa akin. I'm not playing with other people's feeling anymore nor mine. Graduate na ako sa pagiging play girl. Magseseryoso na ako ngayon. Seryoso na ako sa kanya.

Lumingon siya sa akin at mahinang bumulong sa aking tenga. "Is this a date to you?" Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi.

Kumunot ang noo ko at nilingon siya kaya sobrang lapit na ng mukha naming dalawa. "Ano ba 'to sa 'yo?"

"This is not a date," anas niya at wala na namang emosyon ang mukha niya ngayon. Weather-weather lang?

"So, anong tawag mo dito?" Ngumuso ako sa kanya at pinitik niya naman ang labi ko.

"We'll call it asin day."

Napangiwi ako. "This is not a date because we'll call it asin day?! Anong asin?! Saan mo nakuha ang kajejehan na 'yan? Kay Steeve na walang ibang ginawa kundi tumawa at mag-imbento ng kung ano-anung pangalan?!" Hiyaw ko at sinita naman ako ng ibang nanonood sa loob ng sine.

Umirap ako at binalingan siya ng tingin. Mahina siyang tumatawa sa tabi ko. "Masyado kang maingay para dalhin sa sine. Sa susunod, doon na lang sa bahay namin at nang maipakilala na kita kay mom at dad."

Natigilan ako at ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko dahil sa sobrang kaba. Agad naman akong nakahuma at pagak na tumawa, "biro mo ba 'yan?"

Umiling siya at ngumuso, "kailan ako nagbiro?" Nginiwian ko siya at nag-isip ng ilang segundo. "Kanina, 'yong asin."

"It's AzIn, not asin," pagtatama niya.

Nagkibit ako ng balikat dahil wala naman akong naiintindihan sa sinabi ni Vin. Pareho lang naman ang dalawang salitang binanggit niya, sangkap lang iyon para magluto ng ulam.

Ibinalik ko na lang ang tingin sa screen at napasigaw ako ng pagkalakas-lakas sa labis na takot nang bumungad sa 'king harapan ang isang nakakatakot na mukha. Mabilis kong tinakpan ang mata ko gamit ang aking kamay pero sumisilip pa rin ako para malaman kung ano na ang nangyayari sa palabas. Ramdam ko rin ang malakas na pagtibok ng aking puso dahil sa sobrang pagkagulat.

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon