WEOB 15

238 7 2
                                    

"Teka lang! Pagod na ako, Tres... Can we stop for a while, please? Nakakahingal na kasi e at saka ubos na rin ang laman ng water jug ko."

I sat down the wide road while waving my empty water bottle. Hinahaplos naman ng pang-umagang hangin ang katawan ko na bahagyang nagpapalamig sa aking pawis.

Lumingon si Tres sa akin at saka ngumiti na kanina pa nangunguna sa pagdya-jogging. Kakagising pa lang namin pero ang energetic niya na. Kung sabagay, huling araw na din namin dito sa Pradera Verde.

Umarkila ng sasakyan si Tres, isang pick-up truck. Kung saan niya iyon nakuha ay hindi ko rin alam.

"Saan mo 'to inarkilahan? Magkano ba ang bayad? Hati na lang kaya tayo, nakakahiya kasi e, wala akong ambag sa gala natin. 'Tapos masyadong high-end pa 'yong lugar na pupuntahan natin." Lumingon ako sa kanya at ngumuso habang nagpa-fasten ng seatbelt.

Umiling lamang siya. "Libre naman talaga 'to. Wala kang ilalabas na pera dito, Scyther. Kahit ikaw ang mag-ayang gumala sa ating dalawa, ako pa rin ang magbabayad," he genuinely smiled.

Lumundag naman ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Tres started the engine of the car but all I can clearly hear is the loud and frantic heartbeat of my heart. Mas lumamang iyon kesa sa dahan-dahang pag-andar ng sasakyan.

Hindi nga ako makapaniwalang marunong siyang magmaneho.

Sobrang dami ko pa palang hindi pa nalalaman tungkol kay Tres at sa buhay niya. There was an urge that pushed me to know him more. Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi dahil sa aking iniisip.

Nang makarating kami sa Pradera Verde, dumiretso agad kami sa kung saan kami magsi-stay-in. Nagbihis lang kami ni Tres pero hindi na nag-abala pang ilabas ang mga gamit na nasa loob ng mga bag. Dinala kami ng mga paa namin sa isang golf course. Siya pa ang nagturo sa akin dahil marunong na siyang maglaro no'n.

"Turuan mo nga ako, Tres. Paano ba ipasok ang bola sa butas?" Kunot-noo kong lingon sa kanya, tila nauubusan na ng pasensiya dahil hindi ko pa rin makuha ang tamang paghampas ng dala-dala kong metal.

Tumawa si Tres at napailing habang ako ay nakatitig lamang sa kanya na nasa may bandang likuran ko. His face is in a hue of pink and violet because the sun is already setting down. Sobrang guwapo niya sa ganoong anggulo kahit na pawisan at simpleng puting T-shirt lang ang suot.

Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ko habang ako ay nakatingin pa rin sa bawat paghakbang niya. Tumigil siya sa likod ko. He suddenly encircled his wide arms on my waist. Nanlaki at namilog ang mata ko sa kanyang ginawa kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Sigurado akong nakita niya iyon dahil bigla na lamang siyang tumikhim.

But it was not a back hug. Naglandas ang kanyang kamay patungo sa likod ng palad ko. He just held my hand to teach me how to properly use the golf club.

Napalunok ako ng pang-ilang beses dahil sa kaba nang maramdaman ang init ng kanyang paghinga sa bandang gilid ng aking batok. Ipinatong niya pa ang kanyang baba sa aking balikat na nagpahuramentado sa aking sistema at kalamnan.

What is he doing? Is he still teaching the basics of playing golf?

Nagsalita siya pero wala akong maintindihan kahit isa. Pumasok lamang ang mga itinuro niya sa butas ng tenga ko at palabas naman sa isa. Hindi ko naiintindihan lahat. I was just too focused on his face closer than I thought and his hand holding mine like he was back hugging me.

I bit my lip as I swayed the golf club to hit the ball. Ganoon pa rin ang puwesto naming dalawa at dahil nakahawak siya sa kamay ko, pumasok ang bola.

Natuwa ako doon at napalingon kay Tres na todo rin kung makangiti. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa, mga dalawang pulgada na lamang iyon. Mahina kong nahigit ang aking hininga sa aking nakita. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang masaya kong mukha. Bumaba ang tingin ko patungo sa kanyang matangos na ilong at pababa sa kanyang mapupulang labi.

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon