WEOB 2

560 17 0
                                    


WEOB 2
an unexpected visit

"ANO?!" Napasigaw ako ng sobrang lakas at napabangon sa hospital bed. "Seryoso ka ba talaga? Naghihintay siya sa labas?"

Hala. Bakit siya nandito? Hindi naman kailangang bisitahin niya pa ako rito sa hospital.

"Si Owen lang ba ang nand'yan sa labas?" takang tanong ko kay Rell na ikinataas niya ng kanyang kilay.

"Huh?" kumunot ang noo ni Rell at umiling. "May iba ka pa bang hinahanap bukod kay Owen? 'Di ba siya naman talaga ang crush mo?"

Mabilis kong iniba ang usapan. "Chaka ba ako ngayon?"

Demonyo siyang ngumisi at tumango kaya napaismid ako. "'Wag ka nang mag-alala, hindi na 'yan mababago sa 'yo. Paretoke ka na lang kagaya ng mga artista!"

Bumelat ako sa kanya at hinampas ang braso niya. Napangiwi siya sa ginawa ko at agad akong inirapan.

"Nakakahampas ka pa sa gan'yan mong kalagayan? Bahala ka, lalabas na ako, tulungan mo ang sarili mo," tumayo siya at lumabas na ng kwarto.

Napabuntonghininga na lang ako at ilang minuto pa ay biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa naman nito si Owen na pormadong-pormado. Nakasuot siya ng peach na long sleeves at naka-tucked in pa ito sa puti niyang jeans. May puti ring cap sa kanyang ulo.

"Good morning, Scyther," he casually greeted.

Ngumiti ako pabalik. "'Morning din, Owen!"

Umupo siya sa gilid ng kama ko kaya napatingala ako sa kanya at nakitang kunot ang kanyang noo. "Anong masakit sa 'yo ngayon?"

Nginisihan ko siya. "Bakit? Hahalikan mo ba ang parte ng katawan ko na masakit?"

He chuckled and the room was filled with his voice. "Kung mamarapatin mo, binibini."

Tumawa ako sa sinabi niya at nagpa-iling-iling. Nakatingin lang siya sa akin habang ako ay tumatawa kaya natigil ako sa aking ginagawa.

"Tatlong araw ka na ba rito sa hospital?" Nahimigan ko ang pag-aalala sa kanyang boses, "Masakit pa rin ba ang tiyan mo?"

Tumango ako. "Oo, e..." sabay tawa sa mukha niyang parang namatayan. Ngumuso siya at hindi naman ako tumitigil sa kakatawa.

"Stop that," he firmly said.

Tinaasan ko siya ng kilay at tatawa-tawang nagtanong. "Bakit?"

"Basta..." nag-iwas siya ng tingin sa akin at lumunok ng ilang beses.

Napanguso ako. "Bakit nga—"

Napatigil ako nang halikan niya ang gilid ng labi ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at naitulak ko siya palayo sa akin.

Nagulat ako do'n. Habol ko pa ang aking hininga hanggang ngayon.

"I'm sorry," sabay naming sabi at napayuko na lamang.

Hindi na ako muling umimik. Si Owen naman ay nakatitig lang sa 'kin kaya gano'n rin ang ginawa ko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na magtanong tungkol sa nangyari kanina. Baka kasi may masabi pa akong kung ano-anu sa kanya.

Gusto ko ng matapos ang oras na ito at nakahinga ako ng maluwag dahil may biglang tumawag kay Owen. Hay, salamat naman.

"Oo, pa..." tatango-tango niyang tugon. "Nasa hospital ako ngayon. Bakit? Okay... I'll be there."

Sumulyap siya sa akin at inilagay sa bulsa ng jeans ang cellphone niya. Hindi ko na hinintay ang paliwanag ni Owen at nginitian lang siya. "Okay lang. Sige na, puntahan mo na, baka emergency..."

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon