"O, napadalaw ka rito?"
Nag-angat ng tingin si Dee-ay sa akin habang dala-dala ang cellphone sa isang kamay. Nakaupo lang siya sa sofa at hindi pa nakapagbihis ng pambahay. Siguro kararating niya lang. Ako na ang nag-imbita sarili ko sa loob dahil may-ari na rin ako ng bahay na 'to, kaibigan ko kaya si Dee-ay.
"May itatanong lang sana ako," umupo ako sa tabi niya. Tumikhim lang siya at hinubad ang kulay berde niyang neck tie.
"Ano'ng itatanong mo?"
Nagkamot ako ng ulo. "E, kasi, may itinanong si Camie sa amin last two days. Sabi niya, ano daw ang tawag sa maliit na orange 'tapos ang sabi ko kiat-kiat pero mali daw. Ano'ng mali doon, totoo naman 'di ba?!" Ngumuso ako at pinagkrus ang aking braso.
Tumango siya habang nag-iisip. "Ano'ng sagot ni Camie doon sa tanong niya?"
Pinaglaruan ko ang daliri ko at kumibot pa ang labi ko bago isiniwalat ang sagot. "Ang sagot ay orange at binulong pa iyon ni Camie sa amin. Tumawa sila, ako lang ang hindi kasi hindi naman nakakatawa ang trivia."
Nagpailing-iling si Dee-ay at humalakhak. "Ang LG mo!" Halos magkanda-iyak-iyak na siya sa kakatawa.
Kumunot ang noo ko at tinabingi ko ang aking ulo. "Ano'ng LG? Brand 'yan ng cellphone 'di ba?"
"Low gets 'yan! LG na ang ibabansag namin sa 'yo ngayon! Ang hina ng utak mo, Say, bwahahaha!" Humalakhak na naman siya. LG ba ako? Hindi naman ah. Sumimangot ako. Sana mabilaukan ang tumatawa ngayon sa kani-kanilang laway!
"Bakit ka tumatawa sa sinabi ni Camie na trivia? Hindi naman 'yon nakakatawa ah!" Halos maiyak na ako dahil sa pagkairita. Bakit sila tumatawa at ako ay hindi? Bakit gano'n?
Tumayo si Dee-ay. "Ilalatag ko na po ang explanation ko po ha. Teka lang po, iinom muna po ako ng tubig po."
Tinanguan ko lang siya at naglakad naman siya palayo. Nakita kong naiwan ni Dee-ay ang cellphone niya sa upuan kaya kinuha ko iyon at tinipa ang passcode niya. Bumungad sa akin ang chat nila ni palangga?! Sino si palangga?!
Nagkumahog akong ibalik ang cellphone sa dating pwesto nito nang marinig ang mga yabag ni Dee-ay. May dala na siyang isang bowl ng cookies ngayon at sa isa niya namang kamay ay isang baso ng gatas. Pagkalapag na pagkalapag niya sa mga pagkain sa mesa ay kumuha agad ako at isinubo iyon.
"'Di ba ang tanong ni Camie ay ano ang tawag sa maliit na orange?" Tumango ako at nagpatuloy naman siya, "at ang sagot naman ay orange pa rin pero ibinulong niya na iyon. Kaya nagkagano'n ay dahil lang sa tono ng boses. Example, isinigaw ko ang word na orange ng pagkalakas-lakas, 'yon ang big orange at ang small orange ay kapag hininaan mo ang boses mo. Orange. Orange! Joke 'yon, Say, binibiro lang kayo ni Camie!"
Nagliwanag ang mukha ko at tumawa. "Orange sa malakas na boses! Orange sa mahinang boses! Oh my God, problem solved! Thank you, Dee-ay! Thank you din sa cookies na pinakain mo!" Pinugpog ko ng halik ang kanyang mukha. Ngumiwi siya at nandidiri niyang pinahiran ang kanyang mukha gamit ang panyo niya.
"Walang problema, LG! Aalis ka na ba ngayon?" Tumango ako, "oo, e, 'yon lang ang sadya ko rito."
"Okay! Pakisabi rin kay Tita Ai na salamat sa cookies na bigay niya!" Magalak na sigaw ni Dee-ay habang naglalakad ako palayo sa kanya. Galing pala sa amin ang cookies. Tsk.
"Makakarating 'yan kay Mommy Ai!" Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Tumawa lang siya pabalik, tila hindi nawala sa isip niya ang joke ni Camie. Orange. Orange! Hays. Bakit ang LG ko?!
Naglakad lang ako dahil malapit lang naman ang bahay namin. Nang makita ko ang nakaparadang Nissan Navara sa tapat ng bahay namin ay mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas ako ng takbo papasok. Nadatnan ko si Daddy sa may pintuan, may kinakausap siya sa kabilang linya ng cellphone pero binaba din niya agad iyon.
BINABASA MO ANG
Amore #2: Withered Epitome of Beauty
RomanceWarning: This story is written in Tagalog-English Amore Series #2 Say is a law student who dated any random people out there and have been kissing with anyone she didn't even know. But what irritates her the most is seeing the face of the blue-eyed...