WEOB 11

274 10 2
                                    

"Naughty verb, quarter to one na, bakit ang tagal mo? Hindi ka na tuloy nahintay pa ni Owen dahil magsisimula na ang klase niya sa Finance."

Tumango lang ako at nilagpasan si Steeve. Mabilis naman niyang nahakbang ang distansya naming dalawa at sumabay sa akin sa paglalakad. Inakbayan niya pa ako.

"Uy, bad mood ang pinsan ko, share ka naman diyan!" Sinundot ni Steeve ang tagiliran ko, napairap ako sa ginawa niya at bumuntong-hininga.

"I met him yesterday, it was a coincidence..." Pumasok ako sa loob ng room at saka umupo sa ikalawang hanay. "Pumunta ako kagabi sa bahay nila Dina at nakita ko siya doon. Parang may hinihintay. I don't know."

Tumabi naman si Steeve sa akin. "'Tapos? Ano'ng nangyari?" Kahit kelan, tsismoso talaga 'tong lalaking 'to!

Inilibot ko ang paningin ko. Marami na rin ang tao sa loob ng silid kahit na kahapon ay sinabi nilang ayaw nilang pumasok ngayon. Hindi rin maingay dahil kanya-kanya sila sa pagda-digest ng cases. I'm afraid of public speaking but this is what I'm pursuing—a lawyer who want to be a voice to serve justice for everyone.

Kinalabit ako ni Steeve kaya napalingon ako sa kanya. Nagsiabot pa ang dalawa kong kilay. "Ano?"

"Sino'ng him ba ang nakita mo kahapon? 'Yong three-pointer at Captain ng basketball sa University of San Carlos noon? 'Yong ex mong nang-iwan sa 'yo? 'Yong kaibigan kong jologs dahil binitawan pa ang suplada kong pinsan?" Pang-uusyoso niyang tanong kahit obvious naman talaga kung sino ang tinutukoy ko. "Paano si Owen na baliw rin sa 'yo?"

Bumuntong-hininga ako. I can't do anything for Owen. Reciprocating our feelings to someone we didn't even love is just a waste of time. Hindi ko gustong magkunwaring gusto ko siya. Alam kong makakasakit lang ako ng damdamin ng iba. Hindi biro ang pakikipagrelasyon, ganoon din ang paghihintay sa isang taong hindi mo alam kung babalikan ka pa ba talaga.

Dinuro ko ang pinsan ko. "Ang tsismis mo din e, 'no? Madaldal ka kaya hindi kita kayang pagkatiwalaan sa mga bagay na iyan! Baka ipagsabi mo pa sa iba ang dapat sanang ilihim mo na lamang sa sarili mo. Partida, kakalat 'yan at ako ang pagtsi-tsismisan ng mga kaklase natin. Madami pa namang uhaw sa issue ngayon."

"Ouch, men," hinawakan niya ang kanyang dibdib na para bang nasaktan talaga siya sa mga sinabi ko. Nag-make face pa siya sa harapan ko. "Madaldal lang ako kesa naman sa 'yo na sobrang tabil ng dila at suplada pa! Pero si Kin ba ay okay na?"

Umarko ang kilay ko sa pag-iiba niya ng usapan at saka napangisi habang kinukurot ang kanyang pisngi. Umirap siya sa akin at mahina niyang tinampal ang aking kamay para matigil ako sa ginagawa ko.

"Okay naman si Kin. Concern na concern talaga, o! Last year pa siya okay pero binabantayan pa rin dahil baka maging suicidal person na naman. May bago na nga'ng crush si Kin pagkatapos ng break-up nila ni Sanveil, e." Panunuya ko kay Steeve, agad siyang napangisi. "Pero ang alam ko ay hindi dito nag-aaral ang crush niya kung 'di sa inaaralang unibersidad ni chubby bunny."

Napangiwi siya at biglang nandilim ang kanyang mukha. Sobra ba talaga ang pagkagusto niya kay Kin na parang katapusan na ng mundo. "Hindi ako ang crush niya? Bakit hindi ako?! Sa guwapo kong 'to, hindi niya talaga ako nagustuhan? At sino naman 'yang chubby bunny na 'yan?!"

Ginulo niya pa ang buhok niya na para bang talong-talo na talaga siya sa isang pustahan. Seryoso? Hindi ako naniniwalang gusto niya talaga si Kin. Ang dami kayang babae ng pinsan kong 'to!

"Obvious ba 'yon? Assuming ka lang talaga kapag nagkikita kayong dalawa ni Kin. E, nagkasama lang naman kayo dahil magkaklase sila ni Owen." Tumawa ako. "At saka si chubby bunny ay si Seb, 'yong babaeng dinalaw natin noon sa hospital."

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon