PROLOGUE

1.9K 35 0
                                    

PROLOGUE

I SIPPED in my drink as I swayed my hips together with the beating of the loud music, banging in my ears.

Ipinikit ko ang aking mata at itinaas ang kamay sa ere. I just wanted to have fun. Wala ng iba. I wanted to feel light. After all, everything will be a mess when the morning comes.

Nang pakiramdam ko ay may tama na ako, tumungo ako sa bar counter at umupo sa high chair. I ordered one glass of vodka from the bartender.

The one who expertly mixed my drink is a woman. Dalawa silang nakatoka dito sa bar counter. Ang isa ay isang lalaking mas malambot pa sa babae.

Inilapag ng baklang bartender ang inumin ko. Mabilisan ko naman iyong nilagok. Ramdam ko ang init na rumagasa mula sa aking lalamunan patungo sa aking dibdib dulot ng alak na ininom ko. I don't know how many drinks I ordered or what kind of drinks I took. Basta inom lang ako nang inom.

Muling ngumiti sa akin ang babaeng bartender. She has the brightest smile out of all people here. She looked cute but I don't like her. Probably, she's years older than me.

I like girls. We hang out and we kiss. 'Yong smack lang, hindi umaabot sa momol. Sa lalaki ko lang ginagawa iyon at bisexual din ako.

Sa tuwing nakikita ko ang ibang babae na ngumingiti sa akin, ibang mukha ang nakikita ko. I sniffed and then, I noticed that I'm already crying. Ngayon lang ulit ako umiyak sa pagkawala ni Bree.

My heart ache at the thought of her. Hindi ko pa rin matanggap na patay na siya. Hindi ko pa rin matanggap na kulang kami ng isa kahit na dumating naman si Shira. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat-lahat.

Bakit kasi siya pa? Bakit kailangang siya pa?

Tumingala ako para sana hindi maglandas sa aking pisngi ang mga luha pero huli na ang lahat, tumulo na ang luha ko.

Ngunit sa aking pagtingala ay nangunot ang aking noo. Someone's silhouette hovered above me, blocking the neon lights of the bar from blinding my eyesight.

"Hi..." he spoke in a baritone. "Are you alone here? Can I join you?"

Hindi ko siya pinansin at lumagok na naman ng isang basong alak.

He sat beside me and cleared his throat, maybe he wanted to let me know that I have some company.

Makulit siya. Parating nagtatanong kung bakit ako umiiyak. Kung bakit mag-isa lang ako... kaya inamin ko ang lahat sa kanya.

We talk about random stuffs. I opened up to him about my friend who died last October. He wasn't consoling me. He didn't hug me. He was just silently listening to me, nodding his head as if he really understand me.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng awditibo ko sa bulsa ng aking pantalon. I excused myself to the man beside me and he just nod.

Nahagip din ng aking mata ang nakasulat na N sa bandang gitna ng kanyang dibdib. Nakabukas kasi ang tatlong butones ng kaniyang suot na itim na long sleeves. Hindi ko alam kung may karugtong pa ba iyon o wala na. Basta labong-labo na ang aking paningin kaya binalewala ko na lang din.

Napailing na lamang ako, kinuha ang cellphone ko at naniningkit ang matang in-on iyon. The screen flashed. Mas lalong sumingkit ang mata ko dahil sa nakasisilaw nitong liwanag.

May nag-message sa akin sa Gmail. Binasa ko kaagad ang mga iyon na puro galing kay Steeve.

From Sntvñs_Steeve@gmail.com

Scyther, brief the cases, recit tomorrow. Ayusin mo at saka 'wag kang magsuot ng pula, hindi ka swerte n'yan.

I heaved a heavy sigh after reading his message. Bakit may recit na naman bukas? Oh hell, Pre-law pala kinuha ko, nakalimutan ko pa talaga!

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon