WEOB 33

202 6 0
                                    

"Scyther... Ma'am, gising na..."

Nagkusot ako ng mata pagkatapos maramdaman ang mahinang pagyugyog ng isang tao sa balikat ko.

Kumunot ang noo ko at nagmulat ako ng mata. I saw Tres hovering above me, forehead's also creasing but still smiling. He's a beautiful sight to see after woking up.

Itinagal ko ang titig sa kaniya ng ilang minuto bago inilibot ang aking paningin sa paligid. Maggagabi na. Hindi ko inakalang nakatulog pala sa ako sa biyahe dahil sa pagbabalik tanaw sa mga nangyari noong nakalipas na buwan.

"Tres..." I uttered, just wanting to have his attention even if I already have his brown eyes on me.

Napangiti siya at marahang nagtaas ng dalawang kilay. Hinawakan niya rin ang kamay ko at dahan-dahan iyong pinagsalikop.

"Gutom ka na ba, Scyther? Kain na tayo, ma'am," yakag niya.

Marahan akong umiling at saka bumangon sa pagkakahiga sa comforter na dala-dala ni Tres. Nasa likod pala kami ngayon ng pick-up truck niya kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng paligid. Binuhat niya siguro ako kaya napunta ako dito sa likod.

Inalalayan ako ni Tres sa pagbangon at agad ko naman siyang inambahan ng yakap. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mapupulang labi kaya napangisi ako.

We were just silent for a while, enjoying the scenery; making our hearts talk to each other as we embrace the cold night.

Nagkagat ako ng labi. Ang tanging pagsinghap at pagbuga lamang ng hangin naming dalawa ni Tres ang nagbibigay ng ingay sa paligid. Pati na rin ang huni ng mga ibon, ang marahang paghampas ng hangin at ang pagduyan ng mga kahoy sa paiba-ibang direksyon.

Tumingala ako sa langit. The hues of the sky was on its gradual color of orange and pink. Sa di kalayuan ay kulay lila iyon na papaitim, tila ba'y kinakain na ng kadiliman. It's already quarter to six in the evening, that explains why.

"Tres, ano'ng favorite food mo?" Biglaan kong tanong dahil gusto kong mas makilala pa siya.

"Ikaw, puwede ba?" Pabiro siyang ngumisi sa akin.

Natigilan ako ng ilang minuto at biglang pumasok sa isipan ko ang isang erotikong akto. He would eat me? Mabilis akong napailing dahil sa biglaang pagtaas ng temperatura ng aking katawan. Agad namang binawi ni Tres ang sinabi niya.

"Just kidding. 'Yong mga magkakalasa lang ang favorite food ko like menudo, afritada, o kaldereta. Hindi naman ako mapili, ror." He acted like a dinosaur, ready to scratch me and then he loudly chuckled.

Napangiti ako. Pareho pala kami ng gustong ulam. Ngayon, hindi na siya tahimik, hindi kagaya noon. But he can also be a great listener, 'yong tahimik lang pero alam mong nakikinig dahil ramdam mong nand'yan siya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. It's rough, just like before. Ang sipag talaga ni Tres! Napangiti ako. "E, sa kulay?"

"Pareho tayo, blue." He smiled and played with my hands.

Pinanliitan ko siya ng mata. Alam niya pala na gusto ko ang kulay asul, paano? "Gaya-gaya ka lang, e."

Agaran siyang umiling, ngumuso pa ang loko. "'Di, ah, 'yon talaga ang gusto ko..." He paused for a little while and asked me a question once again. "Ikaw, ilan na ang naging boyfriend or girlfriend mo?"

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit may alam ka tungkol d'yan, stalker kita, 'no?!"

"Hindi ba obvious?" Tinaasan niya rin ako ng kilay habang marahang tumatawa. "Nakikita kasi kita noon na may kasamang babae, you're intimate with them."

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon