WEOB 14

219 7 0
                                    

"I always needed time on my own
I never thought I'd
Need you there when I cry
And the days feel like years when I'm alone
And the bed where you lie
Is made up on your side"

I heaved a heavy sigh after hearing the first verse of When You're Gone by Avril Lavigne. Kanina pa ako hindi makatulog dahil sa pag-iisip sa sinabi ni Kin kaya napagpasyahan kong makinig na lamang ng kanta na i-sh-in-uffle ko kanina. Malas pa at ito ang bumungad sa aking pandinig.

I firmly close my eyes as the lyrics of the song touches my bruised and pulverized heart. My chest felt heavy like it was burned alive; I can't even barely breathe. Lumunok ako ng pang-ilang beses para pakalmahin ang aking sarili pero wala namang nangyari.

"Aalis ako, Azi. I need to run some errands and it doesn't include you. I want to free my mind, gusto ko munang walang sagabal. I'm sorry, I'm in the verge of confusion right now. Hindi ko na alam. I need to leave you here. Walang kasiguraduhang babalik pa ako... kung mababalikan pa kita dito, Azi..."

Why was the wound still fresh even if three years had passed by? Nagkagat ako ng labi at makailang beses na nagmura. Fuck.

Bakit kailangan pang sumagi sa aking isipan ang mga katagang iyon? Dapat ay binagok ko na lang ang ulo ko sa pader upang magkaroon ng blood cloth at nang hindi ko na maalala ang mga nangyari sa buhay ko. Ang mga buwan at taong nakalipas ay puro masasalimuot na alaalang ibinuhos sa akin nang walang pakundangan.

One thing's for sure. Love will make you dumb. Kahit ano'ng klaseng pagmamahal pa iyan, nakakabobo talaga at nakakasakit.

Nanubig ang mata ko at sunod-sunod na naglandas ang butil ng mga luha sa aking pisngi. Mas lalong humigpit ang puso ko na para bang may pumipiga rito upang mahulog ako sa isang walang humpay na pagtangis.

River of tears poured down my pillow. Ramdam ko rin ang pananakit ng aking lalamunan na para bang ginigilitan ako ng hininga. Na para bang sinasakal ako ng isang tao. It was a bad torture. Durog na durog na nga ako, pinupulbos pa ang espiritu ko sa mga nanunumbalik na salita sa aking isipan.

Ganito na ba ako kalala? Was I this hopeful to bring everything back? Or to start all over again... with him? Why did I want him... when he's the one who left me behind?

Why do people want to have what they badly want? Why don't they let it pass by? Why don't they disregard it or throw it away? Why do we like complicated ones over easy ones?

Kasi hindi ko rin maintindihan. Bakit ko pa gugustuhing kunin ang isang bagay na hindi naman talaga para sa akin? O ang isang bagay na ayaw naman talaga sa akin at hinding-hindi ko na maaari pang angkinin?

Suminghap ako ng ilang beses para pakalmahin ang aking sarili. Pinahid ko na rin ang aking mga luha na hindi tumitigil sa pag-agos sa aking pisngi patungo sa aking unan.

I didn't asked to have this kind of situation. Ang hiniling ko lang naman ay ang makatulog, hindi ang marinig ang boses ni Vin na parang sirang plakang nagpapabalik-balik sa aking isipan.

Countless cries and moans of agony filled the four corners of my room. My eyes can't shed tears anymore and my body is already giving up so I let myself be swallowed in the darkness where I found peace.

Two nights. I cried for that two nights until I realized that I needed to go back to my old self once again. I shouldn't be this vulnerable, hindi ako ganito. Hindi ako iyakin. I am their emotional pillar, hindi dapat baliktad.

I breathe in deeply as I stare at my body infront of the body sized mirror. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok kong lagpas na sa balikat. It was in a dark shade of brown. Iyon talaga ang natural na kulay ng buhok ko.

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon