"Where am I?"
Umuga ang manipis na kamang hinihigaan ko habang ako ay bumabangon.
I roamed my eyes around the brown room. Hindi masikip at hindi rin malaki ang kwarto. Plywood na hindi pa napipinturahan ang haligi. Puro makalumang gamit ang nandito, kulay kayumanggi lahat.
Nabigla ako pagkatapos matuon ang aking tingin sa isang lalaking nakaupo sa upuan na nasa tabi ng bedside table.
"Uhm... Good morning?" He greeted with uncertainty while scratching his nape. He cleared his throat and I saw how his Adam's apple bobs up and down.
Lumabi ako at napalunok ng ilang beses pagkatapos magtagpo ang aming mga mata. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tinalikuran siya. I checked my face if I have some gound or drool at nang makumpirma kong wala ay muli kong hinarap si Tres.
Mahina akong natawa habang pinagmamasdan siyang kunot ang noong nakatingin lamang sa sementong sahig. Pinipitik niya pa ang kanyang mga daliri habang nagkakagat ng pang-ibabang labi.
Biglang nag-angat ng tingin si Tres sa akin. Kunot pa rin ang noo niyang sinalubong ang titig ko.
"What?" Asik niya.
Umarko ang kilay ko at nagkagat ako ng labi habang tinitimbang ang gusto kong ituran. Will he be offended if I'll say "Suplado..."
Natutop ko ang aking labi pagkatapos dumulas ang aking dila at nasabi ko ang aking iniisip. I bit the insides of my cheeks when he didn't respond to what I said.
Kunot pa rin ang noo niyang tinitigan lamang ako. His brown eyes scintillate as the rays of the sun kissed his face. Napatitig ako sa magulo at basa niya pang buhok na tumutulo papunta sa isang simpleng cream T-shirt.
Muli akong nag-angat ng tingin pagkatapos niyang tumikhim. Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa pinto ng kwarto. Napakunot rin ang noo ko sa kanyang inasta. Why was he acting... cold?
Mabilis pa sa alas kwatrong nilipad ko ang dalawang metrong distansya galing sa kama papunta sa pintuan ng kwarto upang pigilan siya sa paglabas.
Mabilis kong hinawakan ang kanyang palapulsuhan. "Tres, galit ka ba sa 'kin? Are you offended? Sabihin mo sa 'kin, ayoko kasing magkaroon tayo nang hindi pagkakaintindihan. May nasabi ba akong mali sa 'yo kagabi? Ano ba ang pinagsasabi ko?"
Malakas ang kabog ng puso ko nang lumingon si Tres. His lazy eyes darted on mine. Mukha pa siyang walang tulog dahil sobrang tamlay ng mukha niya. Humupa lamang ang kaba sa aking dibdib nang gawaran niya ako ng ngiting kitang-kita ang dimple niya.
"Sinabi mo lang na ayaw mong umuwi sa unit mo dahil baka naghihintay doon 'yong ex mong si Vin. Wala naman akong ibang pagdadalhan sa 'yo kaya dito na lang kita dinala sa bahay namin..." Lumagpas ang tingin niya sa akin kaya napatingin din ako sa likod ko pero muli siyang tumikhim. "Masakit ba ang likod mo?"
"Saan?" Tinakpan ko ang aking bibig habang humihikab. Bakit naman sasakit ang likod ko?
Sumandal naman si Tres sa likod ng pinto kaya napasubsob ako sa dibdib niya dahil nakahawak pa pala ako sa palapulsuhan niya. His manly scent filled my olfactory system.
Bahagya akong lumayo at napabitaw sa kamay niya nang sumagi sa aking isipan ang posisyon naming dalawa. Baka may makakita pa sa amin dito at mag-isip ng kung ano-anu.
"Saan?" Pag-uulit ko sa tanong ko kanina at humilig din sa gilid ng aparador na malapit lang din sa pintuan.
He purses his lips and after a while, he pointed it to the direction of the bed. "Sa pagkakahiga mo sa hindi gaanong malambot na kama..."
BINABASA MO ANG
Amore #2: Withered Epitome of Beauty
RomanceWarning: This story is written in Tagalog-English Amore Series #2 Say is a law student who dated any random people out there and have been kissing with anyone she didn't even know. But what irritates her the most is seeing the face of the blue-eyed...