WEOB 40

461 11 0
                                    

"Daddy Theo?" I whispered in the thin air when my eyes darted to a silhouette of man who's standing a few meters away from me.

Nilingon ko si Tres sa gilid ko na nagtaas ng dalawang kilay at ngumiti sa akin. Ilang minuto kaming nagkatitigan, walang nagsasalita, nakangiti lang sa isa't-isa.

Pagkatapos no'n ay nagbaba si Tres ng tingin sa kaniyang paanan at saka mahinang pinatid ang mga maliliit na bato.

"Mahal..." I pursed my lips as I hugged him tight.

Nag-angat ulit siya ng tingin at saka tinaasan ako ng dalawang kilay. Prente lang siyang nakatayo habang nakapamulsa.

Umiyak naman ako at walang pasabing yumakap sa kaniya. Ihinilig ko ang aking mukha sa dibdib ni Tres at hindi naman siya umimik, hinayaan niya lamang akong maglabas ng luha sa aking mata.

He hugged me tight and his hands travelled down the small of my back. Hinaplos niya ang aking likod nang paulit-ulit at patuloy naman ako sa pag-iyak sa dibdib niya. Dahil doon ay nabasa tuloy ang puti niyang long sleeve shirt.

"Shhh, sige na, puntahan mo na ang papa mo, mahal..." He caressed my hair gently and then he slowly pulled out from the hug, drifting away.

He smiled at me and his face glowed from the moon's bedazzling light. Hinawakan niya ang isa kong kamay habang ang isa niyang kamay ay napunta naman sa aking mukha. I saw how his hands slide away the strays of my hair that's covering my face. Then he tucked it at the back of my ear.

Nahihiya akong nag-alis ng tingin sa kaniya at saka ngumuso. Pakiramdam ko tuloy ay uminit ang pisngi ko sa ginawa niyang iyon. Nang balikan ko siya ng tingin ay nakakagat naman siya sa kaniyang labi habang nakatingin pa rin ng malalim sa akin. Mas malalim pa sa nakakalunod na dagat.

Biglang inilapit ni Tres ang mukha niya sa akin at dali-daling lumapat ang malambot niyang labi sa tungki ng aking ilong. Doon ako'y napapikit at lumapat naman ang kamay ko sa dibdib niya.

"Tres, b-bakit? My watery eyes darted on his soft brown eyes. "Bakit mo 'to ginagawa para sa 'kin? Bakit masyado kang nag-e-effort? Bakit gano'n? Deserve ko ba talaga 'to? Deserve ba talaga kita? Kasi parang-"

"Ma'am, I'm doing this because I love how I make you smile." He cutted me off as he intertwined our fingers. "Alam ko namang iyon talaga ang iisipin mo. Ako rin, pareho lang tayo... Hindi ko alam kung deserve ba talaga kita pero gusto kong maging deserving para sa 'yo."

Huminga siya ng malalim at saka tipid na ngumiti. "Kaya ko 'to ginagawa dahil gusto ko 'to, mahal. Naalala ko lang kasi noon, sinabi mo sa 'kin na gusto mong makita ang papa mo. Gusto mo siyang makausap dahil nangungulila ka sa pagmamahal niya... Kaya ito na 'yon, mahal! Ito na 'yong pagkakataon upang mapunan mo ang kung ano mang kulang d'yan sa puso mo, ma'am." Tres cupped my face. Malumanay lang din ang boses niya habang sinasabi iyon sa akin na para bang nanghehele ng bata. "And I hope that after this, you'll be halfway in the process of completing yourself once again... It will take time for you to be completed but know that I'll always be here, silently praying for everything that you wanted to achieve, okay? I love you, ma'am. Mahal na mahal na mahal talaga kita..."

Nagkagat ako ng labi at parang teenager na pinasayaw-sayaw kasabay ng hangin ang laylayan ng hawak kong bistida. "Salamat mahal at mahal na mahal din kita!" I kissed his lips then pulled away immediately. "Akala ko talaga na kapag nagsasalita ako ng mahina ay hindi mo 'yon naririnig. Na habang nagsasalita ako tungkol kay papa sa tuwing nakakatulog ka sa likod ng pick-up ay hindi mo iyon naririnig. 'Yon pala ay hindi ka talaga natutulog, pinipikit mo lang ang mga mata mo!"

Ngumuso ako at tumawa naman siya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "I don't know... How could you be this understanding? How could you be so honest? How could you be so precious in my eyes that I can't stand letting you go? How could you hold my heart and handle it with so much care? How could you be this... gwapo in my eyes?"

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon