WEOB 24

216 6 0
                                    

"H-Hello?"

My throat felt dry and itchy as I answered the call. Hindi ko alam kung narinig ba ng tao sa kabilang linya ang boses ko dahil napaos ako. It may be because I was drenched by the rain or it was from the shivering cold.

I gently rubbed my eyes and was welcomed with a dark and deafening silence inside the cemetery. Nakatulog pala ako dito dahil sa kaiiyak. Umaambon na lang pero malakas pa rin ang patak ng ulan.

Napailing ako. Ano na kayang oras ngayon at ano na kaya ang mga nangyayari? Nanakit lang lalo ang lalamunan ko dahil sa sumaging tanong sa aking isipan na nagpaalala sa nakalipas na oras, araw, buwan at taon.

How should I wrapped all of those without even hurting myself? Na iniwan ako para sa iba? Na ipinagpalit ako dahil hindi ako sapat para sa kanila?

Wala akong maimbentong matatamis na salita sa sarili ko para hindi ako mas lalong masaktan dahil totoo naman. Kahit anong bura ko sa mga iyon sa aking isipan, hindi pa rin mawala-wala. Those words still has a big impact in my emotional, mental and physical state.

I still cannot accept what happened because I invested all of my feelings to those people who had the audacity to leave me. Pero ano pa ang magagawa ko, e, nangyari naman na?  Gustuhin ko man silang kwestyunin, murahin at sumbatan pero para saan pa? I didn't even know where I stand in my dad's relationship or with Vin.

That's the scariest part. You are willing to fight without even knowing of what or who you are fighting. Lalaban ka sa isang walang kasiguraduhang laban.

Nagbaba ako ng tingin at bumunot ng damo para libangin ang aking sarili habang hinihintay ang pagsagot ng tao sa kabilang linya.

My phone's still pressed in my right ear. 'Buti na lang gumagana pa kahit nabasa na ng ulan, wala pa naman akong perang ilalaan para dito dahil bibili ako ng big bike. Hindi ko din sinilip kung sino ang tumawag dahil pagod na pagod na ang kaluluwa ko. Wala akong gana pero kakausapin ko 'to. This might be urgent.

I repeated what I said earlier in a loud and clear voice. Narinig ko ang pagsinghot ng kausap ko sa kabilang linya, my forehead creases. Umiiyak ba 'to?

Sisilipin ko na sana sa cellphone ko kung sino ang tumawag pero napatigil din ako nang magsalita ang nasa kabilang linya.

"A-Ate!" Karl muttered in a low and somewhat inaudible voice. Mabilis akong napalunok at kinabahan dahil alam kong umiiyak siya. I can feel that he's not feeling well, parang pasan niya ang mundo ngayon. "Umuwi ka na, please, kailangan ka namin dito ni m-mama."

I heard how his voice broke, my lips quivered and immediately got up. Nanginig ang buo kong katawan at hinirit ako ng ubo bago makasagot ng oo sa bunso kong kapatid.

I briskly walk until I notice that I'm already panting. Mom and Karl needed me. Baka alam na nila ang nangyari, I thought they wouldn't know too early. But if they didn't know and I will keep it as a secret to myself, para na rin akong nakipagsabotahe sa ama kong babaero.

After a few minutes of nearly running, I am already stepping out of the black gate of the memorial garden where my twin brother, Kadiel Isaac, was buried ten years ago.

Ano na ang nangyayari sa bahay? How did mom find out about dad's mistress? Or were mom the other woman of dad? No! Hindi iyon maaari. I will not push through that idea in my head but the loud thumping of my heart tell otherwise. Napailing agad ako at lumuha na naman.

I didn't wait for any transport vehicles outside the cemetery because I will just run out of time. Instead, I run as fast as I can.

If my family needs me, I wanted to be there and comfort them in any possible ways. Sana hindi pa ubos ang oras ko ngayon para damayan sila at ipaglaban. Now I know who should be protected. It is mom and Karl.

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon