Prologue
"Nawawala si Ms. Czarina!"
Ngising-ngisi ako habang pinapanood ang pagpapanic ng mga katulong namin. I don't care about them. Wala na akong pakialam kung papagalitan man sila ni Daddy dahil sa pagkawala ko.
Andito pa naman ako sa mansion but I'm just in a disguised para hindi nila ako makilala. I'm wearing our maid's uniform, a dark brown wig hiding my natural straight black hair. Nakasuot rin ako ng isang nerdy glasses para mas matago ang mukha ko.
"Anong gagawin natin? Anong sasabihin natin kay Sir Joaquin?" Rinig kong sabi ng isang babaeng katulong. She's panicking already.
Joaquin Velasquez is my Dad but who cares? Ang gusto ko lang ngayon ay ang makatakas sa mansion na 'to. Ang makatakas sa isang madilim na bangungot na mangyayari ngayon.
Who wants a damn fixed marriage?! No one! Kung iniisip nila na ako yung tipo ng babae na mahuhulog sa lalaking itinakdang ipakasal sa akin kapag nagsama na kami sa isang bubong ay hinding-hindi yung mangyayari!
I'd rather die than marry that asshole!
Well, hindi ko naman kilala ang sinasabi nilang mapapangasawa ko. I don't even know his face! Pero anong paki ko? Hindi naman ako magpapakasal sa taong yun.
Tahimik akong naglalakad papunta sa back door ng mansion namin. Hindi na ako napapansin ng mga maids namin dahil sa pagpapanic nila. What a stupid maids.
Dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pinto ng back door at sumilip muna sa labas kung may guwardiya ba doon.
And like what I expected! The guards are also panicking! Takot siguro kay Daddy. Tss! Sinong niloloko nila? They're just scared because they don't want to be fired. But I'm not going to waste any tiny conscience for them dahil hindi naman sila yung ikakasal ngayon. Hindi sila yung magsusuffer habang buhay.
Nakayuko ako habang nakikipagsabayan rin sa pagpapanic ng mga katulong sa labas. I'm close to our huge gate! Konti na lang ay makakatakas na ako hanggang sa...
"Fuck!" Napamura ako nang may biglang humila sa akin at marahas akong isinandal sa malamig na dingding.
My back hurts! Shit!
Pinanlisikan ko ng mata ang taong humila sa akin and to my surprise, an oceanic blue mesmerizing eyes bore through me. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa malamig na dala ng mata niyang tumatagos sa buong pagkatao ko ngayon.
"L-Let go of me!" Sabi ko sabay pumiglas mula sa pagkakahawak niya.
Hindi naman siguro ako kilala ng lalaking 'to diba? I don't know him. Hindi ko alam kung isa siya sa mga guards namin. Isa lang ang alam ko, the man infront of me is a man that every girls dream of, except me, of course!
"Sabing bitawan mo ko eh!" Pabulong na sigaw ko.
"Why would I?" He whispered huskily.
Damn! His voice can even melt someone's heart but not me! Pinaghirapan kong makatakas dito tapos kung kailan malapit na ako sa gate namin ay mangyayari ang bagay na 'to? Argh! I won't let him destroy my plan!
Walang pag-aalinlangan kong tinuhod ang kayamanan niya sa baba at kita ko kung paano niya yun sapuin dahil sa sakit.
"Yan! Mamatay ka sa sakit!" Pabulong ulit na sigaw ko at tumakbo na palabas ng gate.
Agad ko namang nakita sa labas ang sasakyan ng pinakapinagkakatiwalaan kong kaibigan kaya napangiti na lang ako ng sobrang lawak.
"Let's go!" Nakangising sabi ko sa kaibigan ko na nakabusangot ngayon pagkasakay ko ng kotse niya.
"Bakit ba ako pumayag sa kalokohan mong 'to?" Bulong niya sa sarili niya na narinig ko naman.
"I can hear you, Ches!" Irap ko.
"Oh my god! May tainga ka pala, Yvon? Para kasing hindi mo naririnig ang mga sigaw ng mga katulong niyo dahil sa pagpapanic na hanggang dito sa labas ay naririnig ko na." She said sarcasticly.
"I don't care about our stupid maids. Just drive okay!" Sabi ko at tinanggal ang suot kong napakalaking salamin at wig na suot.
"Fine!" Padabog na sabi ni Cheska at pinaandar na ang sasakyan.
Pero bago pa kami makalayo sa mansion ay may isang bagay na nakaagaw ng pansin ko. Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan ng kaibigan ko at doon nakita ko ang isang lalaking nakapameywang at pailing-iling na nakatingin sa sasakayan namin or to be specific, he's looking at me.
Wait! This car's window is tinted right? But why the hell can I see his oceanic blue eyes staring at me?
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa iniisip. I should be happy right now! Nakatakas ako sa walang kwentang kasal na magaganap ngayon.
Yes, I'm Czarina Yvonna Velasquez and I'm a Runaway Bride.
_____________
Votes and Comments are highly appreciated! Thank you!
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...