Runaway Chapter 12

4.3K 137 25
                                    

Chapter 12: Trap

Nakasuot ako ng itim na leggings at pulang halter top shirt habang nakikipagsabayan ako sa mga kasama kong empleyado sa paghihintay ng bus na sasakyan namin.

One week had passed at ngayon na nga ang araw ng fieldtrip namin. Sabi nila ay sa isa daw na sikat na pasyalan dito sa Cebu kami pupunta pero hindi naman nila sinabi kung saan. Wala akong masyadong alam dito sa Cebu kaya kung saan man kami pupunta ay hindi ko na alam.

Basta makikipagsabayan na lang ako sa kanila. Tutal ay gusto ko na rin namang mag-unwind. Mas maganda na ring tanggalin ko muna sa isip ko ang mga problema ko ngayon.

Kaniya-kaniyang dala ng camera ang mga kasama ko. Magtatagal daw kami ng tatlong araw doon sa pupuntahan namin pero parang isang buwan kami magtatagal doon dahil sa dami ng dala ng mga kasama ko.

Tatlong araw lang ba kami doon o isang buwan? Yung totoo?

"Czarina, tabi tayo ah." Si Jeff.

Lumapit siya sa akin at umakbay. Ngising-ngisi siya habang nakaakbay sa akin. Hindi naman na ako naiilang sa kaniya dahil matagal na rin kaming magkakilala at aaminin kong magaan ang loob ko sa kaniya.

Siguro ay dahil palangiti siya at masayang kasama. Hindi rin kasi siya intimidating kaya siguro magaan lang ang loob ko sa kaniya. He is more like a kind and joyful guy than a hot and dangerous man like Mr. Miller.

Argh! Bakit ba bigla-bigla na lang pumapasok sa utak ko yung lalaking yun?

Ni hindi ko nga alam kung sasama yun sa amin eh at wala na akong pakialam kung sasama man siya o hindi.

It's already out of my care.

Iniwan muna ako ni Jeff dahil nakipagkwentuhan muna siya sa mga kaibigan niya. Ako naman ay tumingin lang sa wristwatch ko. Napanguso ako. 8 am daw darating yung bus na sasakyan namin at 10 minutes na lang ay mag-e-eight na.

"Oh my God, Czarina! Ang sexy mo!" Sabi ni Portia at lumapit sa akin.

Sa pagkakaalam ko ay isa siya sa mga kaibigan ni Jeff at Kate. Silang tatlo lang naman ang kilala ko na empleyado ng MGC eh. Yung iba, hindi ko na masiyadong nakakasalamuha.

She is wearing a short shorts and a black tube top na pinatungan niya ng puting long sleeves. Nginitian ko lang siya at eksakto namang napaatras kami dahil dumating na ang bus na sasakyan namin.

Excited silang lahat na sumakay doon at since ayaw kong makipagsisiksikan ay nagpahuli na lang ako na sumakay.

"Czarina!" Napalingon ako kay Jeff nang tinawag niya ako. Nakasakay na siya at tinuturo niya yung upuan sa tabi niya. "Dito ka!" Sabi niya pa.

I can't stop myself from smiling. Tumango ako sa kaniya habang malaki ang ngiti ko sa labi. Akmang papasok na sana ako sa bus nang may biglang humila ng beywang ko na nakapagpasinghap sa akin!

What the damn hell?!

Naramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso sa beywang ko at amoy pa lang niya ay kilala ko na kung sino siya!

Damn, Miller!

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Wala ba siyang pakialam sa mga empleyado na nakakakita sa amin?! Kasi ako, hiyang-hiya na dito!

Ano na lang ang sasabihin nila?! Na may relasyon kaming dalawa? Kahit wala naman talaga at imposibleng mangyari yun?!

"What the hell are you doing?!" I asked.

Halos umapoy ang mata ko dahil sa pag-iinit ng dugo! Damn him! Kung gusto niya ako ipahiya? Huwag naman sana sa harap ng mga katrabaho ko kasi nakakabwesit lang!

My Runaway Bride (MINE Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon