Chapter 15: Girlfriend
"Ako na!" Sabi ko sabay agaw sa cotton na hawak ni Mr. Miller na marahan niyang idinadampi sa paa ko.
I have a wound at the side of my left feet. Maliit lang iyon at sa tingin ko ay dahil iyon sa pagbagsak ko sa mga maliliit na bato kanina. Nandito kami sa cottage at alam kong nakikita kami ng mga katrabaho ko. I don't know if they'll make a story out of what their seeing right now kasi sino ba namang hindi magtataka sa nakikita ngayon? A CEO kneeling infront of his secretary will be a big news. No one will ever think that this is just nothing.
Iniwas ni Mr. Miller sa kamay ko iyong cotton at nagpatuloy lang siya sa marahang pagdampi noon sa sugat ko.
"Bakit ka ba kasi bigla-biglang tumatalon?" Kunot-noong tanong niya.
Napanguso ako at napatitig sa mukha niya. He is damn gorgeous. Bulag na lang talaga ang hindi mahuhulog sa kaniya. Swerte ba ako dahil nahulog siya sa akin? Dahil nagkagusto siya sa akin? I guess so. Pero hindi ko pa kayang aminin ang nararamdaman ko because I know that I still have a problem to fix and a lie that I'm hiding.
Hindi niya pa ako kilala at ganoon din ako sa kaniya. This is not yet the right time to be in a relationship kaya siguro ay itatago ko muna ang nararamdaman ko.
"S-Sir?"
Nabalik lang ako sa reyalidad nang makita ko sila Kate, Jeff at Portia na nasa harap namin. Nag-aalinlangan pa ang dalawang babae kong tutuloy pa ba sa pagpasok sa cottage habang si Jeff naman ay seryoso lang na nakatingin sa amin.
Akmang babawiin ko na ang paa ko mula sa pagkakapatong sa tuhod ni Mr. Miller nang mas hinigpitan niya lang ang hawak doon at umangat ang tingin sa akin. He didn't even bother to look at the three beside him!
Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit tumaas lang ang kaliwang kilay niya.
"Don't move." Sabi niya lang at nagpatuloy sa ginagawa.
"U-Uhm. Kate, Portia, Jeff, okay lang na magstay muna kayo dito kasama namin ni Mr. Miller kung iyon ang gusto niyo."
Hindi ko na napigilan ang sarili at sinabi na iyon. It will be rude if I'm just going to ignore them! Nag-aalangan silang ngumiti sa akin at sa huli'y pumasok na rin.
Pinuna ko naman si Mr. Miller sa ginagawa niya. Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi nang makitang nakatitig ang tatlo sa amin. Alam ko ring ang ibang katrabaho ko ay pasulyap-sulyap sa amin ngayon.
Mr. Miller's hand is the opposite of his appearance. Kung ang presensiya niya at itsura ay nakakakaba dahil sa bigat at dilim nito ay iba ang kamay niya na gumagamot sa sugat ko ngayon. Magaan iyon at parang puno ng pag-iingat.
Nang matapos si Mr. Miller ay tumayo na siya at umupo sa tabi ko. I tried to move away but he just snaked his arms around my waist and pulled me closer to him! Kung may ipupula pa ang pisngi ko ay baka naging kamatis na ako ngayon. Pakiramdam ko ay ang lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa ulo ko!
"Move away." Mariing bulong ko at bahagya siyang itinulak.
Pero mahina akong napamura nang mas humigpit lang ang hawak niya sa akin! Damn him!
"Why would I?" He whispered.
Sa huli ay wala na rin akong nagawa. Mas mapapahiya lang ako kapag lumayo ako sa kaniya dahil mas hahapitin niya lang ako papalapit. Pekeng ngisi ang ipinakita ko sa mga kasama naming nakatitig sa amin ngayon. Gustong-gusto kong irapan si Mr. Miller pero hindi ko magawa dahil hindi ko kayang tumingin sa kaniya ngayon.
Nakita kong kumuha siya ng isang barbeque at ipinakita niya iyon sa mga kasama namin.
"Can I have one?"
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...