Runaway Chapter 22

3.9K 124 13
                                    

Chapter 22: Faked

Pagkamulat ko ng mga mata ay bumungad sa akin ang kulay puting kisame at ang pinaghalong amoy ng mga gamot. Pumikit ulit ang mga mata ko dahil sa panghihina pero nang maramdaman ang unting pagkirot sa may puson ay agad akong napaupo. My baby!

"Hey..."

Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko at mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Nagtiim-bagang ako nang makita si Lucas at bumungad na naman sa paningin ko ang asul niyang mga mata. I avoided his gaze and gritted my teeth. Sinubukan kong kalasin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero mahigpit iyon.

"Bitawan mo ako, Lucas." Nakatiimbagang ika ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at umupo sa tabi ko. Umatras ako para bigyan kami ng distansiya pero mas lumapit pa siya at hinawakan pa ang mukha ko. Iniiwas ko ang mukha sa kamay niya at ginamit ang isang kamay para itulak siya.

"Lumayo ka sa akin." Mahinang ika ko dahil bumabalik na naman sa puso ko ang sakit.

Ang sakit ng ginawa niyang panloloko sa akin. Pakiramdam ko ay nagkapira-piraso ang puso ko at hindi na mabubuong muli. Seeing them live cheating on me makes me hurt more! Wala na atang mas sasakit pa sa sakit na naidudulot ng panloloko ng taong pinagkatiwalaan at minahal mo.

"Let's talk...please, baby. Czarina..." Ika niya at patuloy na hinuhuli ang tingin ko.

"Ano pang dapat natin pag-usapan? Live ko na nga kayong nakita, diba? May dapat ka pa bang ipaliwanag?" Tanong ko at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha.

Marahas ko iyong pinunasan at hinarap na si Lucas. Malamlam ang mga mata niya at parang gusto talagang magpaliwanag. I badly want to hear his explanation pero hindi ako tanga para magpaloko pa sa kaniya. Ilang tao na ba ang naloko ng pag-ibig? Ilang tao na ba ang nagpakatanga para sa pag-ibig na yan?

Hindi lang dapat puso ang pinapairal sa larangan ng pag-ibig. Dapat pati isip, para pantay at hindi na maloko pa sa huli.

"Hindi totoo ang nakita mo. Hindi iyon ang totoong nangyari. Please, believe me, baby..."

I scoffed.

"Anong gusto mong palabasin?! Na nagsisinungaling yung mata ko?! Ano?! Ilang kasinungalingan pa ba ang lalabas sa bibig mo?! Ha, Lucas?!" Ika ko at napahagulgol na.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pero patuloy ko lang siyang itinutulak. I really want to hurt him, physically and emotionally! Gustong-gusto kong ipamukha sa kaniya na nagkamali siya sa panloloko sa akin! Gusto kong iparamdam sa kaniya yung sakit na nararamdaman ko ngayon!

"I'll explain, okay? Hindi iyon ang totoong nangyari. May pinainom siya sa akin kanina---"

"M-My baby?" Putol ko sa sinasabi niya.

Gamit ang naluluhang mata ay inangat ko ang paningin sa kaniya. Napahawak ako sa tiyan ko at bahagya itong hinaplos. Wala naman sigurong masamang nangyari sa baby ko, diba? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang sagot ni Lucas.

Napatingin ako sa kamay niyang humaplos sa leeg ko. Kahit gusto kong alisin iyon ay hindi ko magawa dahil sa paghihintay ng sagot mula sa kaniya.

"Wala pa ang resulta. Pupunta ang doktor dito mamaya para tignan ka." Sagot niya.

Nang marinig ang sagot niya ay unti-unti kong tinanggal ang kamay niya sa leeg ko. Buo na ang desisyon ko. Hindi na iyon magbabago. Kumunot ang noo niya dahil sa pilit kong pagtanggal sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"I said let's talk, Czarina."

"Wala na tayong dapat pag-usapan!" Sigaw ko at tuloy-tuloy nang tumulo ang luha.

My Runaway Bride (MINE Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon