Chapter 6: Jealous?
Pilit kong kinukunot ang noo ko habang nakasakay kami sa elevator ni Mr. Miller kahit na may nagkakagulo na sa tiyan ko dahil hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko.
Mariin yun at parang ipinapakita nun na wala na akong kawala dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Hindi naman iyon masakit.
Ano bang nangyayari sa bwiset kong boss at bigla-bigla na lang nanghihila?
"Sir." Tawag pansin ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot at nanatili lang ang tingin niya sa harap kaya nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Kitang-kita ko rin mula dito kung paano marahang umiigting ang panga niya.
Hanggang sa makarating kami sa tamang floor ay hila-hila niya ako sa palapulsuhan at nagulat ako nang hindi niya ako binitawan na naging dahilan para mapasama ako sa kaniya papasok sa office niya.
"S-Sir!" Pasigaw na na tawag ko at napahinto siya sa paglalakad.
Malapit na kami sa may desk niya at kitang kita ko doon ang dalawang paper bag na mukhang take-out na pagkain. Pumihit siya paharap sa akin at dahil hawak niya ang palapulsuhan ko ay hindi ako makaatras.
"What?" Kunot noong tanong niya na may halong frustration.
"Nasa labas po ng office niyo ang cubicle ko kaya bakit niyo po ako sinama dito?" Pilit kong pinagalang ang boses ko.
"So what if you're here?" He asked, raising his left eyebrow up.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong murahin siya. Pilit ko ring pinapaalala sa sarili ko na boss ko siya and I shouldn't be rude to him! Pero kahit anong gawin ko ay umikot pa rin ang mga mata ko.
"Lunchbreak po diba? Kaya wala naman po sigurong masama kung maglalunch po ako. Pero ang ipinagtataka ko lang po kasi ay kung bakit po ninyo ako dinala dito habang naglulunch lang po ako ng matiwasay." Ika ko na may halong kasarkasmuhan. Binibigyang diin ko rin ang salitang 'po'.
Umigting ulit ang panga niya at napaiwas agad ako ng tingin. Bakit ang gwapo niya kapag umiigting ang panga niya? Bakit kahit alam kong galit siya ay hindi ako natatakot? Imbes na matakot ay parang may nagkakagulo pa sa tiyan ko.
"Sit." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya at itinuro ko ang sarili ko.
"Ano ako aso?!" Bulalas ko.
He rolled his eyes and groaned. Hinila niya ako at pinaupo sa sofang nasa harap ng desk niya. Tatayo na sana ako para umalis nang bigla niyang itinukod ang dalawang kamay niya sa backrest ng sofang kinauupuan ko na naging dahilan para makulong ako sa gitna na mga braso niya.
I can even saw how his arms and biceps flex! Para bang walang araw na hindi siya nag gym at yung amoy niya? Shit! Nakakaliyo iyon at parang gugustuhin mo na lang amuyin iyon buong magdamag!
"Don't you dare disobey my order." He said dangerously.
Napalunok ako dahil sa kaba at kung maririnig niya lang ang tibok ng puso ko ay baka nabingi na siya dahil sa lakas nun! At ano naman yung mga nagkakagulo sa tiyan ko? Gutom na ba ako at nagkakagulo na ang mga bulate sa tiyan ko?
Nailabas ko lang ang kanina ko pa palang pinipigilang hininga nang lumayo siya sa akin at umayos ng tayo. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagtangkang umalis pa. Nanatili lang akong estatwa sa kinauupuan ko at pinapanood ang bawat galaw niya.
Kinuha niya yung dalawang paper bag na nakalagay sa desk niya at ipinatong iyon sa coffee table na nasa harap ko. Amoy na amoy ko hanggang dito ang mabangong amoy ng pagkaing nasa loob ng paper bag na iyon.
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...