Chapter 4: CEO
Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapak ko palang sa loob ng CEO's office. Nakangiti sa akin yung babaeng tumawag sa akin kanina kaya nginitian ko siya pabalik.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya hindi ko maiwasang magpasalamat. I'm a spoiled brat but I'm not a person who don't know how to be grateful.
Nang umangat ang tingin ko sa CEO ng kompaniya na 'to ay naningkit ang mga mata ko. Nakayuko siya at nakatingin sa mga papeles na nasa harap niya pero alam na alam ko ang body built niya. Siya yung nakasabayan ko sa elevator kanina!
Shit!
Kaya pala ganun na lang katakot yung mga tao sa kaniya dahil siya pala ang CEO ng kompaniyang 'to.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni Mr. Miller. Yun kasi ang last name niya. Lucas Kingsley Miller, CEO of Miller Group of Companies. Kilala ko siya sa pangalan pero hindi sa mukha.
Literal akong nanigas sa kinatatayuan ko at napaawang ang labi ng makita ko na nang tuluyan ang mukha niya. It can't be! Siya?! Seriously?!
"You're not going to sit, Ms. Velasquez?" He asked, shotting his left eyebrow up.
Sa nanginginig na tuhod ay tinungo ko ang upuang nasa harap niya at umupo doon. Nakapatong lang ang mga kamay ko sa taas ng hita ko at hindi ko magawang tumingin sa kaniya.
I knew him! That blue eyes! Hinding-hindi ko iyon makakalimutan! Siya yung humarang sa akin nung malapit na akong makatakas sa mansion. Sigurado akong siya iyon.
Ibig bang sabihin, kilala niya ako? And damn it! CEO siya?!
"Ms. Velasquez, what is your purpose of applying as my secretary?" Tanong niya na nakaagaw ng pansin ko.
Nagtama ang mga mata namin at kahit nakasuot siya ng salamin ay kitang-kita ko pa rin kung gaano kaganda ang mga asul niyang mata.
"Huh?" Tanong ko dahil hindi ko nakuha ang tanong niya.
Tumaas ang kilay niya dahil doon at kitang-kita ko ang pag-taas-baba ng adam's apple niya ng ipinilig niya ang ulo niya habang nakatingin pa rin sa akin.
"What is your purpose of applying as my secretary?" Ulit niya.
Kumunot ang noo ko at napaisip. Ano bang purpose ko?
"Money?" Patanong na sagot ko.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita kong kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko.
Ugh! Umayos ka Czarina! Dapat makuha mo ang trabaho na ito or else hindi ka na mabubuhay dito sa Cebu!
"You don't have money?" Tanong niya.
"I don't." Deretsong sagot ko.
Bakit pa ako magsisinungaling, eh wala naman talaga akong pera ngayon at isa pa, baka yung mga honest answers ko pa ang maging daan para matanggap ako sa trabaho na ito.
Kita kong napanguso siya dahil sa sagot ko at mas nakita ko pa kung gaano kapula ang labi niya dahil sa ginawa.
"Almost all of the applicants applied because of me, aren't you one of them?" Tanong niya na nakapagpataas ng kilay ko.
"Bakit naman ako mag-a-apply nang dahil sayo?" Kunot-noong tanong ko at nagdulot yun ng ngisi sa labi niya.
Darn! He looks so gorgeous and damn hot! His blonde and messy hair added more charisma in him! Para bang isa siyang diyos na nahulog mula sa langit at hindi na muling nakabalik pa dahil pinagkalaguluhan na siya ng mga babae.
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...