Runaway Chapter 17

4.1K 138 6
                                    

Chapter 17: Feelings

Who would've thought that my boss for almost a month now turned out to be the fiancee that I runaway from? Who would've thought that the man that almost earned my trust turned to be a liar and a jerk?!

Damn it! Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako o ano kung ang isang taong muntik ko ng pagkatiwalaan ay sinungaling rin pala. I don't know if I'm still going to believe him dahil pakiramdam ko ay lahat ng sinabi niya sa akin, yung sinabi niyang gusto niya ako, iniisip ko ngayon na baka kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon.

Paano kung sinabi niya lang ang lahat ng iyon sa akin dahil gusto niya lang mapalapit sa akin para hindi ko na ulit siya takbuhan kung nalaman kung fiancee ko siya dahil nahulog na ako sa kaniya? What if all his feelings for me are just fake? Paano kung kasinungalingan lang pala ang lahat?

So many 'what ifs' flooded my mind. Sino ba ang hindi maguguluhan kung nasa sitwasyon ko? Hindi ko maiwasang isipin na peke lang ang lahat. Hindi ko maiwasang isipin na kasinungalingan lang ang lahat ng ipinaramdam niya sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na para sa kompaniya lang ang lahat. For the growth of both companies. Para doon lang ba talaga ang lahat?

I didn't thought that life will be this complicated. Hindi ko inakala na hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa isang patibong na kagaya niya. He's a trap, a deadly trapped.

Hindi na ako nag-atubili pa at tinawagan na agad si Cheska. I want a confirmation. From my parents, kung totoo ba ang lahat ng nalaman ko ngayon. Hindi sa, hindi ako naniniwala kay Cheska pero paano kung peke lang pala ang ibinigay nila Mommy na litrato kay Cheska para maloko ako? My parents had so many ways to find me kaya hindi na ako magtataka kung alam na nila kung nasaan ako ngayon o kung ano man ang ginagawa ko ngayon.

"Cheska, I want you to book me a flight to Manila, tomorrow morning." Bungad ko agad nang sagutin niya ang tawag.

Natahimik siya ng ilang segundo bago bumulalas.

"What the hell, Yvon?! Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?!"

"Yes, Ches." Sabi ko at kinuha ang kulay pula kong luggage na nasa ilalim ng kama.

"Seriously?! Bakit parang biglaan ata?! Nahuli ka na ba? Nahanap ka na?" Rinig ko ang pagkataranta sa boses niya.

"No."

"Kung ganoon, bakit? Please, Yvon. I want to know why are you going back here. At bakit biglaan?" Si Ches.

Bumuntong-hininga ako at umupo muna sa kama.

"He's my boss." I said.

Sa ikalawang pagkakataon ay natahimik ulit si Cheska.

"W-Wait, what? Who's your boss?" Tanong niya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at humigpit ang hawak ko sa cellphone.

"My fiancee is my boss. The CEO of the company that I'm working at."

Nakarinig ako ng pagsinghap sa kabilang linya.

"What the damn hell?! Hindi ka ba nagsisinungaling sa akin ngayon?! As in, seriously?! Is this a joke or what?!" Sunod-sunod na sigaw niya.

Tamad akong napairap sa kawalan. I know that this will be her reaction. Cheska was born to be an over reacting person kaya hindi na nakakapagtaka ang inaasta niya ngayon. Kahit ako nga ay hindi makapaniwala, edi mas lalo na siya.

"I'm not joking right now. Totoo ang lahat ng sinabi ko, Cheska. Siya ang tinakbuhan kong fiancee." Seryosong ika ko.

"T-Teka! Paano nangyari iyon?! Paano mo nalaman?"

My Runaway Bride (MINE Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon