Chapter 9: Fiancee
"Here."
Agad kong kinuha ang mga damit ko sa kamay ni Mr. Miller nang inabot niya sa akin iyon. Halos hindi rin ako makatingin sa mukha niya dahil sa sobrang kahihiyang nararamdaman.
Akmang aakyat na sana ako sa hagdan nang hinila niya ang braso ko na naging dahilan para tumama ang tuktok ng ulo ko sa dibdib niya dahil nga nakayuko ako.
Damn it!
"You remember it, don't you?" Nanunuyang tanong niya.
Ramdam na ramdam mo ang mainit niyang hininga sa leeg ko na naging dahilan para makagat ko ang pang-ibabang labi ko.
This is wrong! This is really wrong! Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa mga simpleng galaw niya ngayon. Napagdesisyunan kong iwasan siya dahil sa kahihiyang ginawa ko at ang pag-iwas sa kaniya ang isa sa mga kailangan kong gawin ngayon!
"A-Anong naalala?" Painosenteng tanong ko at inangat ang tingin sa kaniya.
Kitang-kita ko ang multo ng ngisi sa kaniyang mapupulang labi.
Napasinghap ako nang yumuko siya para pantayan ang mukha ko na naging dahilan ng muntikan nang pagtama ng mga labi namin!
Our lips are almost touching! I can even feel his hot breath on top of my lips and it is making my knees turn to jelly!
Bago pa ako matuod sa kinatatayuan ko at mangatog ang tuhod ay lumayo na ako sa kaniya at napalunok. I can't even look at his eyes!
Nakakainis ang ngisi sa labi niya pero hindi ko na yun nagawang punahin dahil sa hiyang nararamdaman pa rin hanggang ngayon.
"Wala pa akong naaalala!" Pagsisinungaling ko at patakbong umakyat sa taas, patungong kwarto niya.
Pagkasara na pagkasara ko ng pinto ay nasapo ko kaagad ang dibdib ko at napasandal dito. My heart is beating like I have been in a race! It is beating so fast na parang inuunahan na nito ang paghinga ko!
Darn! Mali ang nangyayari ngayon. Maling-mali.
Pagkatapos na pagkatapos kong magpalit sa loob ng walk-in closet niya ay bumaba na ako. Suot ko na ngayon ang damit ko kagabi. Wala ng bakas ng suka doon o kahit anong dumi.
Hawak ko sa kanang kamay ko ang takong na isusuot mamaya habang naglalakad na mga daliri lang sa paa ang tumatama sa sahig. I'm doing these because I don't want to see Mr. Miller right now! Tama na ang pagkapahiya ko kagabi at hindi ako tanga para hindi maisip na baka alam niya na ngayon na naaalala ko na ang lahat!
Habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa dingding para alalayan ang katawan ko habang sumisilip sa may living room ay nagulat na lang ako nang may biglang kumuha ng takong na hawak ko.
"Shit!" Napamura pa ako at napahawak sa dibdib dahil sa gulat!
Halakhak ni Mr. Miller ang unang bumungad sa pandinig ko at nag-init agad ang dugo ko dahil doon.
"Ano ba?!" Iritadong singhal ko at hinarap siya.
Malaki ang ngisi niya sa labi habang ako naman ay nakabusangot!
"Akin na yan!" Sabi ko sabay abot sa heels ko pero mas inangat niya lang yun.
He was a six footer habang ako naman ay nasa 5'4 to 5'6 lang ang height kaya hindi ko na iyon maabot ngayon. Sinubukan kong tumalon para maabot yun pero mas inangat niya lang yun.
"Mr. Miller!" Iritadong singhal ko ulit pero hindi pa rin nawawala ang ngisi niya sa labi.
"Why are you tiptoeing earlier?" Ngising tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...