Chapter 7: Secured
"You know what, nagtataka talaga ako eh. Bakit parang hindi ka hinahanap ng parents mo dito? Hindi man lang sila nagtatanong sa akin kung nagpaparamdam ka ba sa akin o hindi." Ani Cheska habang nag-s-skype kami.
Kakauwi ko lang sa condo ko ay tumawag na agad siya.
"Oh? Edi mas maganda yun kasi hindi nila ako hinahanap." Sabi ko.
Tinanggal ko ang suot kong blazer at inilapag yun sa sofa. Pasalampak naman akong umupo dito dahil sa pagod na nararamdaman. My body is tired and so my mind and heart does.
"You don't understand me, Yvon. Nakakapagtaka lang kasi. Hindi ba dapat hinahanap ka na nila ngayon dahil nawawala ka?" Ika niya pa.
Napabuntong-hininga at napahilot sa batok.
"Huwag mo ng problemahin yun. Baka pasikreto lang silang naghahanap kaya ganun."
Kumunot ang noo ko nang naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"May problema ka ba? You seem so down. You can share it to me, you know."
Nagulat ako dahil sa sinabi niya pero hindi na ako nagtaka. We're friends for 6 years now kaya alam kong kilalang-kilala niya na ako. Maybe, she knows how to read my facial expressions.
"Wala akong problema. I'm just so exhausted." Ika ko.
Kasi ano namang problema ko? I don't have a problem. Hindi problema ang meron sa akin ngayon kundi...
I don't even know if I could call what I'm feeling right now as a problem.
"Really, Yvon? Sa akin ka pa talaga magsisinungaling?" Taas-kilay na tanong niya.
"I really don't have a problem, Ches." Irap ko.
"Oh? Talaga? Then, kindly tell me kung bakit ganyan ang mukha mo?"
"What's wrong with my face?" Kunot-noong tanong ko.
Is the word jealousy plastered on my face or what?
"Nakabusangot ka. You should be happy right now kasi hindi ka pa rin nahahanap ng mga parents mo pero bakit parang iba ata ang nararamdaman mo?" She asked.
Ano bang nararamdaman ko? Homesick? Inggit? Lungkot? Or-jealousy?
"I told you that I'm fine, Ches." Sabi ko pa.
"Argh! Fine! If that's what you're saying, edi maniniwala na ako. Kahit hindi naman kapani-paniwala." Bulong niya sa huling sentence na sinabi niya.
Napanguso ako nang bigla niyang sinapo ang bibig niya na parang may naisip na nakakagulat. What is it, again?
"Don't tell me, natanggal ka na sa trabaho mo?" Gulat na tanong niya na nakapagpatawa sa akin.
"What the hell, Ches?! Hanggang ngayon pa rin ba iniisip mo na matatanggal ako sa trabaho?!" Sabi ko sa gitna ng pagtawa.
"Eh kasi naman ayaw mo sabihin sa akin yung problema mo." Aniya na parang nagtatampo.
"Wala nga akong problema. Is it really hard to believe that I don't have a problem?" I asked shotting my left eyebrow up.
Bumuntong-hininga lang siya at umiling.
"Okay, I believe you. But please tell me if you have a problem, Yvon. Ayaw kong mabalitaan na bigla-bigla ka na lang magsu-suicide diyan."
"What?! For your information, Ches! I'm not a suicidal person!" Sigaw ko.
I can't believe her! Talaga bang ganun ang iniisip niya sa akin?! Na kapag nagkaproblema ako ay bigla na lang akong magpapakamatay? Tatalon sa tulay? Magbibigti? Maglalaslas?!
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...