Runaway Chapter 11

4.5K 146 22
                                    

Chapter 11: Trip

Nang gabing iyon ay hindi agad ako nakatulog. Paulit-paulit na nagplay sa utak ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Mr. Miller.

Is he serious about what he have said? Or he's just making me hope?

Argh! I don't know!

Sinabi niya na sa kaniya lang ako. Sinabi niya na hindi niya mapigilang maging possessive sa akin. Tapos parang may pinapahiwatig yung mga galaw at kilos niya. Pero ayaw kong mag-assume.

Dahil baka sa huli ay ako lang pala ang umaasa. Mahirap na.

"Hi, Czarina!" Nagulat ako nang bumungad sa akin ang ngiting-ngiting si Kate pagkabukas ng elevator sa 7th floor.

"Hi!" Naiilang na bati ko.

Umangkla siya sa braso ko na mas nagpakunot pa ng noo ko. What's happening? At kailan pa kami naging close?

Ipinilig ko ang ulo dahil sa iniisip. Siguro ay feeling close lang talaga ang mga tao dito. Tama. Ganun nga.

Pero kahit gaano ko pa isipin na feeling close nga lang siya ay parang may nagsasabi sa akin na may motibo siya kaya siya ganito.

Kung meron, ano naman yun?

"Sa floor niyo rin ni Mr. Miller ako pupunta. Kailangan ko kasing ipasa sa kaniya 'to eh." Sabay pakita niya sa akin ng itim na folder.

Peke lang akong ngumiti at tumango.

Kung may hinala ako hindi ako nagkakamali lalo na sa pagbasa ng itsura at kilos ng tao. Kay Mr. Miller lang ata talaga ako nahihirapan at si Kate na nasa harap ko ngayon? Alam kong may motibo siya.

And I guess, I'm not wrong.

Pagkalabas ni Kate sa CEO's office ay nagulat ako nang imbis na sa elevator siya dumiretso ay sa akin siya lumapit.

Umangat ang tingin ko sa medyo chubby niyang mukha nang sumandal siya sa cubicle ko at humilig papalapit sa akin na para bang may gustong ibulong kaya lumapit rin ako.

"Pwedeng humingi ng favor?"

Sinasabi ko na nga ba.

"What is it?" Ngising tanong ko.

Kanina ko pa napapansin na may motibo 'to eh at hindi nga ako nagkamali.

"Diba close ka naman kay Sir?"

"Uhmm..no." Sagot ko dahil yun naman ang totoo.

Mr. Miller and I are not close! Kailan pa kami naging close? At ang tanong, magiging close pa ba kami?

I guess not.

"Eh? Hindi ba? Sinundo ka niya nung nasa bar tayo, diba?" Naniningkit ang mga mata niyang ika.

Napatikhim ako at napaiwas ng tingin. Damn! Alam niya ang bagay na iyon?! Pero paano?! Ang alam ko ay walang nakakita nang pagsundo sa akin ni Mr. Miller sa bar ah! Kung ganun, paano niya alam?

"Huwag mo subukang i-deny. Nakita ko kaya kayong dalawa, sabay kayong lumabas ng bar noon." Pabulong na ika niya na may halong pang-aasar.

"How did you know about that thing?" Kuryusong tanong ko ngunit sinagot niya lang iyon ng kibit ng balikat.

"I won't tell it to anyone..." Huminto siya at mariin akong tinitigan. "...but in one condition."

Muntik na akong mapairap dahil sa sinabi niya pero pinigilan ko lang. Right! Kailan ba nawawalan ng kondisyon ang isang tao? Lahat naman talaga ng bagay may kapalit at siguro magugulat ka na lang kung ano ang bagay na yun kapag nalaman mo na.

My Runaway Bride (MINE Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon