Runaway Chapter 13

4K 146 19
                                    

Chapter 13: Worried

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Sa ngisi pa lang nila ay alam ko ng may binabalak silang masama! I know that they're not just going to kidnap me dahil may hinala ako na baka...na baka pagsamantalahan rin ako!

And just thinking about that made my heart thump fast. Nananayo rin ang balahibo ko at parang tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa bilis ng tibok ng puso! I shouldn't have believe Venus! Hindi ko dapat siya pinagkatiwalaan!

Kasi bakit ba ako nandito at the first place? Its because of Venus' trap! At kung hindi sana ako sumama sa kaniya ay hindi mangyayari 'to!

Ano bang pumasok sa kukote ko at sinamahan ko siya? Ang bobo ko! Damn! Ang mga babaeng kagaya niya ay hindi dapat pinagkakatiwalaan!

"Let me go!"

Tili ko at nagpumiglas sa dalawang malalaking lalaking nakahawak sa magkabilang braso ko ngayon. I tried hard to get away from they're hands but I can't! Tila sila bakal na hindi natitibag!

Ipinasok nila ako sa kubo at wala akong kalaban-laban! Halos umangat pa ako sa lupa dahil sa pagpipigil na mahila nila ako.

"Ano ba?! Bitawan niyo ako sabi! Bitaw!"

Hiyaw ako ng hiyaw pero tila wala silang naririnig. Hindi pa rin nawawala ang ngisi nila sa labi at mas nagdala pa yun ng kilabot sa sarili ko.

Marahas nila akong ibinagsak sa sahig ng kubo na punong-puno ng dayami. Ano ang lugar na 'to? This hut is so out of this place! Pinasadya ba ito para lang maitago ako?!

I shivered when I saw how the two men look at me. Kumikislap ang nakakadiring tingin sa mga mata nila. They are big and scary at alam kong mahirap at baka hindi na ako makatakas sa kanila.

That thought makes me gulp hard. Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko at mahirap iyong lunukin. I don't want to be raped! Damn! Ayokong mapagsamantalahan! Sino ba namang babae ang gugustuhin ang bagay na iyon?

Nakakatakot. Nakakakaba. Nakakataas ng balahibo at nakakadiri ang uri ng pagtingin nila sa akin. Napaatras ako nang lumuhod ang isang lalaki sa harap ko. Nakakadiri ang ngisi niya sa labi! Parang gusto ko na lang na saktan nila ako kaysa ganito na iniisip nilang pagsamantalahan ako!

"Don't touch me!" Kinakabahang ika ko agad nang makitang umangat ang kamay niya para hawakan ako.

Pero hindi siya natinag. Lumapat ang nakakadiri niyang palad sa hita ko at agad kong tinabig iyon. Sa naluluhang mata ay niyakap ko ang tuhod. Ramdam ko ang panginginig ng katawan at labi ko dahil sa takot.

"Let me go, please..." I begged.

Humigpit ang yakap ko sa tuhod ko nang mahigpit na humawak ang kamay niya sa magkabilang braso ko. Labis na pandidiri ang naramdaman ko nang humaplos ang kamay niya pababa at pataas sa braso ko.

I want to vomit! I want to choke him to death!

"Shh..huwag kang maingay, baby."

Napangiwi ako at napaatras pa dahil sa tono ng boses niya. I don't want him touching me like that! I don't want him luciously touching me! Nakakapandiri! Nakakasuka!

"Oh! Ba't ka lumalayo?" Sabi niya at lumapit pa.

"Shit! Huwag kang lalapit!"

Nanginginig ang labi ko dahil sa takot at galit na nararamdaman. Ramdam ko rin ang panlalamig ko at ang pagtulo ng luha ko. Gusto kong makatakas! Kailangan kong gumawa ng paraan!

Iniiwas ko ang ulo nang magtangka siyang hawakan ang pisngi ko. Kahit gaano ko pa gustong makatakas ay hindi ito ang tamang tiyempo dahil sigurado akong wala pa akong takas ngayon. Kailangang may isa muna sa kanilang umalis.

My Runaway Bride (MINE Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon