Runaway Chapter 3

5.3K 132 22
                                    

Chapter 3: Job

"Welcome to Cebu!"

Yun ang una kong narinig pagkalabas namin ng airport ni Cheska. May malaking banner pa na sumalubong sa amin na mukhang para ata sa babaeng nasa tabi namin.

Mukhang kaibigan niya yung mga bumati sa kaniya. Mukha ring sopistikada ang katabi naming babae dahil sa suot nito. But I don't care. Ang iniisip ko dapat ngayon ay kung paano ako mabubuhay dito, without using my credit cards and getting help from my friend.

"Argh! Nakakairita ka, alam mo ba yun?!" Sigaw ni Cheska sa tabi ko habang naghihintay kami ng taxi.

Wala rin kaming sasakyan dito dahil wala naman kaming kahit anong properties o mansion dito. This place is the only place in Philippines na wala kaming kahit anong properties ng pamilya ko.

That's why I chose to go here. Dahil alam kong hindi ako hahanapin ng family ko dito. Maybe, they are thinking now that I'm in other country like US. Malabong isipin nila na nasa Cebu lang pala ako.

"Akala ko ihahatid lang kita sa airport! I didn't thought na ihahatid rin pala kita hanggang dito!" Patuloy na reklamo ni Cheska sa tabi ko.

Nakashades lang ako at nakasuot ng red halter top dress at black heels. Nakahalukipkip rin ako habang nag-aantay kami ng dadaan na taxi dito. Nasa syudad kami mismo ng Cebu kaya imposibleng walang taxi dito.

"Can you please stop complaining, Ches? Nakakabingi eh." Sabi ko at umirap.

Umingos lang si Cheska at siya na mismo ang pumara ng taxi na sasakyan namin. Ako lang ang may dala ng dalawang luggage. Inihanda ko na ito bago pa kami tumakas at itinago ko ito sa bahay nila Cheska. Bag lang naman ang dala ni Cheska dahil babalik rin naman siya agad dahil paniguradong hahanapin siya ng parents niya.

Lalo na ngayong, nawawala ako.

"So, saan ka titira ngayon?" Tanong ni Ches.

Nakasakay na kami sa taxi at nakatingin lang ako sa google map ng cellphone ko. Pinaghandaan ko na rin kung saan ako titira pagkarating ko sa Cebu kaya nakabili na ako ng condo dito through online.

Ipinakita ko lang sa driver kung saan niya kami dadalhin at sumagot lang naman ng tango ang driver.

"Sa condo ka titira?" Si Ches.

"Yup! Wala naman akong ibang titirhan dito kundi Condo eh." Sagot ko.

"How about your daily needs? Saan ka kukuha nun? You don't want my help at hindi mo rin naman pwedeng gamitin ang credit cards mo dahil siguradong matatrack ka ng parents mo."

"I know, that's why I'm going to work."

Kumunot ang noo ko nang humalakhak si Cheska sa tabi ko.

"What?"

"I can't believe that this is happening right now!" She said while still laughing. "Hindi ko inakala na ang isang Czarina Yvonna Velasquez ay magtatrabaho bilang isang ordinary citizen." Sabi niya.

"Inaasar mo ba ako?" Tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay ko.

"Hindi naman sa inaasar kita pero masyado lang kasing imposibleng mangyari yang sinasabi mo." Sagot niya.

"Oh? So you're doubting me, huh?" Panunuya ko.

"Parang ganun na nga." Ngising sabi niya.

Ngumisi rin ako sa kaniya at mataman siyang tinignan pabalik.

"I can't do nothing, Ches. Alam mo yun. Nagawa ko ngang tumakas sa sariling kasal ko diba? Paano pa kung maghahanap lang ako ng trabaho? That's so easy, just a piece of cake." Taas noong sabi ko.

My Runaway Bride (MINE Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon