Runaway Chapter 24

3.9K 127 19
                                    

Chapter 24: Forget

I was literally shocked! Nakaawang lang ang mga labi kong tinitignan si Nathan na gulat ring nakatingin sa akin. What the effing hell?! Bakit siya nandito?! Siya kaya yung anak ng kaibigan ni Tita?

"Oh?! Nathan! Nandito ka na pala!"

Napalingon ako kay Tita. Kakarating niya lang at papalapit siya sa amin ngayon. Kumurap ako ng ilang beses at kinalma ang sarili. So si Nathan ang tinutukoy ni Tita?

"Good afternoon po, Tita." Si Nathan kay Tita.

"Good afternoon rin." Sagot ni Tita Esme pabalik. "Ah, siya nga pala! This is Nathan Buenaventura, Czarina. Siya yung tinutukoy kong tumitira dito minsan." Baling sa akin ni Tita.

Lumipat ang tingin ko kay Nathan at dahan-dahang tumango. I didn't expect this coming! I swear! Hindi ko inakala na siya ang tinutukoy ni Tita. Ayos lang naman sa akin iyon pero nagulat lang talaga ako.

"We know each other, Tita." Ika ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Tita at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin.

"Talaga?! Kung ganoon, eh wala naman pala akong magiging problema? Madali naman siguro kayong magkakasundo." Si Tita at inaya na kaming pumasok sa loob ng bahay.

"We're actually friends, Tita."

Nagulat ako sa sinabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kaniya. I didn't expect that he'll say that. Hindi naman kasi iyon ganoon kaimportante kaya bakit niya pa sasabihin. Yes, we're friends pero hindi kami matatawag na close friends dahil hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't-isa at dahil iyon sa akin dahil iniiwasan ko siya noon. Because I know that he likes me! At hindi ako gagawa ng isang bagay na magiging dahilan ng pag-iisip niyang may gusto rin ako sa kaniya.

Nagkwentuhan lang sila ni Tita about sa Mommy ni Nathan kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko dahil feeling ko ay hindi ko naman na dapat pa pakinggan ang pinag-uusapan nila doon.

While I'm lying on my bed, my phone beeped. Agad ko iyong tinignan at nakitang nagmessage sa akin si Cheska.

Cheska:

Nandiyan daw sa Cali si Nathan. Sinundan ka ata. Haha.

Kumunot ang noo ko at agad siyang nireplyan.

Me:

Sinundan? Bakit? Alam niya bang nandito ako? Sinabi mo?!

Heck! Alam kong hindi sikreto ang pag-alis ko sa Pilipinas pero hindi ko iyon pinaalam sa kahit na sino! Ang family ko lang at si Cheska ang may alam na nandito ako kaya baka kung ano pa ang mapaggagagawa ko sa kaniya kapag pinagsabi niyang nandito ako sa Cali!

Cheska:

Hehe. Sorry.

Damn it! Marahas akong napaupo sa kama at napasabunot ng buhok. Pinagkalat niya?! Paano kapag nalaman iyon ni Lucas?! Teka! Ano naman kung malaman niya? As if naman na may pakialam siya sa akin. Tss! Magsama silang dalawa ng ahas na iyon!

Me:

Pumunta ka nga dito at ang sarap mong sabunutan!

Pinatay ko na ang cellphone ko pagkasend ko noon. Mariin muna akong pumikit at napagdesisyunang bumaba nalang dahil sa nararamdamang gutom. I'm craving for something sour.

Pagkababa ko sa Dining Room ay nadatnan ko si Tita na nagluluto na ng hapunan. Pasimple ko namang inilibot ang tingin para hanapin si Nathan pero napanguso ako nang hindi ko siya makita.

"Tita, may maasim po bang pagkain diyan?" Tanong ko at umupo sa may upuan doon.

"Cravings?" Si Tita

My Runaway Bride (MINE Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon