Chapter 28: Fight
"Ito kaya?" Turo ko sa pulang Lexus.
Hindi ko na nakita sila Lucas. Ano bang pakialam ko? They're already out of my life! At kung iisipin ko lang sila ay baka bumalik lang sa akin ang lahat ng sakit na idinulot ng panloloko nila sa akin noon.
"Not bad." Si Nathan at humalukipkip.
I pursed my lips while a staff is explaining us something about the car. I'm really attentive about what he's saying pero naputol lang iyon nang may marinig akong tili ng isang bwisit na babae.
"Oh! That car!" Napalingon agad ako sa ahas at nakita kong nakaturo ang daliri niya sa kotseng tinitignan ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Lucas. He looked shocked while I just look back at him with emotionless face. I avoided his gaze at nakinig nalang ulit sa ini-explain ng staff.
"What the hell?!" Napamura ako nang may biglang bumangga sa akin.
She's acting like she didn't see me! Well, ahas na nga, bulag pa! Bwisit! What's her damn problem?! Nanahimik ang tao dito ah!
"Hey, careful." Ika ni Nathan at ipinulupot ang braso niya sa baywang ko dahil muntik na akong matumba.
I'm wearing heels! Mabilis akong ma-out of balance dahil doon lalo na't itinulak niya pa ako!
"What's your problem, Miss?" I asked, glaring at Venus.
"Oh?! Czarina! Andyan ka pala! I didn't see you. I'm sorry!" She faked a smile.
Sa nakikita kong ngiti niya ngayon ay parang gusto ko nalang siyang sabunutan dito. How can she act like they didn't cheat on me?! Parang walang nangyari noon ah.
Umiling nalang ako at ibinigay sa staff ang credit card ko.
"I'll buy it." Ika ko.
"Wait, what?! You'll buy it?!" Gulat pang ika ni Venus.
I bit my lower lip to stop myself from talking back to her. I turned to my side when Nathan leaned closer to me to whisper.
"Calm down, babe." He chuckled.
I glared at him and punched his chest a little. Inirapan ko lang siya at pekeng nginitian si Venus.
"Obvious ba?" Sarkastikong ika ko.
Her eyebrow shotted up pero agad iyong napalitan ng ngiti nang makitang tumingin sa kaniya si Lucas. I rolled my eyes and crossed my arms. I can even feel his hot stare towards me. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o hindi. Nang bumalik na ang staff ay ibinalik niya na sa akin ang credit card ko at may mga ini-explain pa siya bago ibinigay sa akin ang ibang mga gamit na kasama nung car.
"I'll buy a car like this too." Si Venus sa staff. Tinanguan siya ng staff at pinasunod sa kaniya.
Hindi ko na siya pinansin. Kumunot ang noo ko nang makitang nakaigting ang panga ni Lucas na nakatingin sa braso ni Nathan na nakapulupot sa beywang ko. Sumusunod na si Venus doon sa staff pero bakit nandito parin siya? He's almost glaring at me and I don't know why! Nagagalit ba siya dahil sinagot ko iyong girlfriend or fiancee or wife niya kanina?
"Lucas!" Tumakbo si Venus pabalik sa pwesto namin.
She immediately clung on Lucas' arms and pulled him forcely. Pinagtaasan ko ng kilay si Lucas dahil nanatili lang ang nakakamatay niyang tingin sa akin. Wait, may ginawa ba akong mali? Wala naman ah! Then why is he looking at me like he wanted to eat me?!
Umiling nalang ako at chineck ang interior at exterior ng car. Nacheck ko na iyon kanina pero ginagawa ko lang ulit iyon ngayon para mawala ang pansin kay Lucas. Nathan drove my newly bought car to our mansion while I followed him using his car. Mahirap na at baka maidisgrasiya ko pa ang sasakyan na iyon dahil matagal na rin akong hindi nagdadrive. Ito ayos lang, luma naman na 'to eh. He also should buy a new one.
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...