Runaway Chapter 20

4.6K 140 20
                                    

Chapter 20: What the hell?!

Nagtataka kong tinitigan sila Kate at Portia nang walang pasubali nilang kinuha ang lahat ng tambak na trabaho ko na nakapatong lang sa may cubicle ko.

"What are you doing?" I frowned.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinubukang bawiin iyon sa kanila pero iniiwas lang nila iyon sa akin. Heck! What is happening?!

"What's the problem of you two?" Nakahalukipkip kong tanong.

Nakita ko ang pagkailang sa mukha ni Kate habang si Portia naman ay kuha lang ng kuha ng mga nakatambak na folders sa lamesa ko. I tried to stop her but she's too stubborn kaya hinayaan ko na lang.

"Utos po ni Mr. Miller na kunin po namin ang lahat ng trabaho niyo, Ma'am. Hindi daw po dapat kayo nagpapagod." Si Kate habang medyo nakayuko.

Dahil sa narinig ay wala sa sarili akong nameywang at nakagat ang pang-ibabang labi. Muntik na rin akong mapairap dahil gumagana na naman ang pagiging manipulative at controlling ni Lucas. Well, kailan ba siya humintong maging ganoon? Mas maniniwala pa akong makakapaglakad ang isda kaysa sa kaniya na huminto sa pagiging manipulative at controlling.

"Put that back on my desk." Maawtoridad na ika ko sa kanilang dalawa.

"P-Pero, Ma'am..." Si Portia.

"And stop calling me like that." Ika ko pa.

Saglit silang natahimik na dalawa hanggang sa sabay na lang silang umiling. Napabuntong-hininga ako at napanguso. Hindi ba talaga sila susunod sa akin? Alam kong natatakot sila kay Lucas pero hindi ba sila natatakot sa akin?

I tried glaring at them but it didn't work! Mas umiling lang sila kaya sa huli ay sapilitan ko na lang na inagawa sa kanila ang mga folders.

"Ma'am, magagalit sa amin si Sir." Si Kate.

"Wala akong pakialam. Trabaho ko ito kaya ako dapat ang gagawa nito."

"Ma'am naman eh." Reklamo pa nila.

"Ibibigay niyo sa akin o---"

Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ay inilagay na nila sa lamesa ko ang mga folders na iyon. Sikreto akong napangisi at tumikhim na lang para pigilan ang pag-angat ng sulok ng labi. Susunod rin pala, pinatagal pa.

"Good." I said before sitting on my chair.

Mga ilang segundo na rin akong nakatitig sa computer na nasa harap nang mapansin kong hindi pa umaalis sa harap ko sila Kate at Portia. Kunot-noo kong inangat ang tingin sa kanila at bahagya pang nanlaki ang mga mata nila nang magtama ang paningin namin.

"What?" Tanong ko.

Pareho silang nagkatinginan at nagsanggian pa ng balikat. Darn! Why are they acting like this? Nalaman lang nila na fiancee ako ng kinakatatakutan nilang boss at heiress ng isang malaking kompaniya ay naiba na agad ang pakikitungo nila sa akin? I'm still that the same, Czarina!

Kung hindi lang ako tumikhim ay baka hindi na sila huminto sa pagsasanggian ng balikat.

"May gusto kayong sabihin?" Sarkastikong ika ko.

Agad silang umayos ng tayo at nagsitikhiman rin.

"Uhm. Kasi po, Ma'am, paano pag nagalit si Sir sa amin?" Si Portia sabay tingin sa tambak na folders sa harap ko.

Bahagya muna akong tumango bago nagsalita.

"Ako na ang bahala sa kan---"

Naputol ang pagsasalita ko nang pare-pareho kaming napalingon sa pinto ng office ni Lucas dahil sa biglaang pagbukas noon. Halos mapatayo ako dahil sa gulat dahil sa natataranta at mabilis na pagkuha nila Portia at Kate ng mga folder sa harap ko. What the?!

My Runaway Bride (MINE Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon