Chapter 25: Humiliation
Wearing a red halter top dress and a killer heels partnered with a wayfarer and a black chanel bag, I graced my way through the airport. Kakarating ko lang ng Pilipinas at nauna akong umuwi dito kaysa kila Nathan. Si Nathan ang may dala kay King dahil pupunta pa ako sa ospital ngayon para dalawin si Daddy.
Nang makalabas sa airport ay agad akong pumara ng taxi. I removed my wayfarer when I get inside the taxi. Sinabi ko sa driver ang ospital kung saan nakaconfine si Daddy at tumingin na sa bintana. Nagtatayugang mga gusali ang agad na bumungad sa paningin ko. Finally, I'm back in Manila! But I don't know what will be the consequences of my arrival here.
I asked the driver if I can open the window and he agreed kaya binuksan ko na iyon agad. Mariin akong napapikit nang malanghap ang hangin ng Pilipinas. Its warm unlike in Cali. Mainit ang simoy ng hangin pero hindi ko maitatanggi ang pagkamiss dito.
"Thank you." Ika ko sa driver nang makarating sa destinasyon at bumaba na.
Pagkapasok sa ospital ay tinanong ko agad ang babaeng nurse na nasa lobby. Sinabi ko lang ang pangalan ni Daddy at sinabi na agad sa akin ang room number niya. Tinahak ko ang daan patungong elevator at sumakay na doon. Habang naghihintay akong makarating sa tamang floor ay hindi ko maiwasang kabahan.
A lot of question is flooding my mind. Like, how's my Dad? Is he okay? Our Company? Is it really failing? Talaga bang nagsisialisan na ang mga board of directors ng kompaniya namin? Paano kung nalaman iyon ni Daddy? I can't sacrifice the health of my Dad for our company. Kung pupwedeng gumawa ako ng paraan, gagawa ako.
"Dad!" Naibulalas ko nang pagkapasok ko palang ng room niya ay nakita kong nagpupumilit siyang tumayo habang pinipigilan siya ng mga nurse.
Lumapit ako sa kanila at nakita kong nagulat si Daddy sa presensiya ko. Tipid ko lang siyang nginitian at tinanguan ang mga nurse, telling them that I can handle this.
Nang makalabas na ang mga nurse ay doon lang ako nakaupo ng maayos sa tabi ni Daddy.
"Daddy. I miss you." Malambing na ika ko at yumakap sa braso niya. "Are you okay? You made me worried!"
"Kailan ka pa nakarating?" Si Daddy.
Umangat ang tingin ko sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
"Kanina lang, Dad. Dumiretso agad ako dito para bisitahin ka. How are you, Dad? Sabi ni Mommy inatake ka daw po."
I helped my Dad when he tried to sit. Naglagay ako ng unan sa likod niya at inangat ng kaunti ang hinihigaan niya para makaupo siya ng maayos.
"I'm fine, Czarina. You don't need to worry about me. Inatake lang ako dahil sa sobrang pagod sa trabaho and I miss you too." Tipid na ngiti niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata at kalauna'y tumango nalang.
"Where's Mom?" Tanong ko nang hindi nakita si Mommy makalipas ang ilang minuto. I really miss her!
Ang akala ko ay lumabas lang siya at babalik rin pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala parin siya.
"I don't know." Nakatiim bagang ika ni Daddy.
What the hell?! Bakit parang galit si Mommy kay Daddy?! Kumunot ang noo ko at hinarap si Dad. He's not looking at me. Seryoso siyang nakatingin sa harap at parang malalim ang iniisip.
"May problema ba kayo ni Mommy, Dad?" I asked curiously.
Doon lang tumuon ang tingin ni Daddy sa akin. Napalunok ako dahil sa kaseryosohan niya. He really looks serious as hell! At ang ikinatatakot ko ay baka may alam na siya tungkol sa sitwasyon ng kompaniya ngayon! Hindi iyon pwedeng mangyari dahil napag-usapan namin ni Mommy na itago muna iyon sa kaniya lalo na ngayong kakaatake niya lang sa puso.
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...