Chapter 14: Kissed
"Si Venus?" Tanong ko kay Mr. Miller habang kumakain kami ng lunch sa may kalapit na restaurant ng inn na pinanatilihan namin.
Hindi naman ginawang big deal ng mga katrabaho ko ang pagkain namin ni Mr. Miller sa iisang lamesa. For them, it's just normal because I'm his secretary but why do I feel like it's not because of that?
Nag-angat ng tingin sa akin si Mr. Miller. Nagpunas siya ng bibig bago matiim na tumitig sa akin. His jaw is clenching slightly.
"Pinaalis ko." He said.
Hindi na ako nagulat. I have a feeling that he'll do that lalo na't nakita ko kung paano siya nagpigil ng galit kaninang umaga. Hindi niya ipinapahalata sa akin iyon pero nakikita ko naman iyon sa pag-igting ng panga niya at pagtahimik niya.
Hindi ko na rin nakita si Venus magmula kaninang umaga. Ibig-sabihin ba ay pinaalis niya agad pagkatapos niyang malaman ang ginawa nito sa akin? But why would he do that? Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako. He said that I made him worried but why?
Maraming kaisipan ang pumapasok sa isip ko but I tried to ignore it because I know...that...it's impossible.
Really impossible.
Pagkatapos naming kumain ay nakihalubilo na ako sa mga katrabaho ko. We decided to have a swim at the falls today. Balak rin nilang magzipline. Wala silang alam tungkol sa pagkawala ko kahapon dahil nang nagtanong sila kung bakit ako wala buong araw, sinagot ko lang na naglibot ako. Naniwala naman agad sila kaya hindi na ako nagpaliwanag pa.
"Tara na! Ang tagal mo naman, Czarina!" Reklamo ni Kate habang nandito siya sa room ko.
"Sandali nga lang!"
Nasa CR ako ngayon at nagpapalit. I'm wearing a black two piece bikini under my short shorts and racerback shirt. Lumabas na ako pagkatapos kong ilugay ang itim na buhok.
"Hay! Salamat!" Sarkastikong ika ni Kate.
Tipid akong napangisi nang mapagtantong kanina pa niya ako hinihintay. She's wearing a black see-through dress with a white one piece bikini under it. She's chubby, yes but her curves are still seen in right places.
Lumabas na kami pagkatapos maghanda ng mga gamit. Isang medyo may kalakihang shoulder bag ang dala ko. Laman lang noon ay ang pwede kong ipamalit mamaya.
"Tara na!" Salubong agad sa amin ni Jeff nang makarating kami sa may lobby.
Nandito na ata ang lahat pero hindi ko pa nakikita si Mr. Miller. Hindi ba siya sasama? Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng lobby pero wala talaga siya. Hindi rin naman siya yung tipo ng lalaki na hindi mo agad makikita. His body built is different from my co-workers, karamihan sa mga katrabaho ko ay payat, ang iba naman ay medyo lean lang ang katawan o may katabaan.
"Czarina!"
Napatalon ako nang pumitik ng daliri si Jeff sa tapat ng mukha ko. Agad nalipat ang tingin ko sa kaniya.
"Tara na!" Ngising ika niya at hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako doon. Normal lang naman siguro ito diba? Ang hawakan niya ang kamay ko? We're friends so I guess it's normal. Wala naming mali kung hahawakan niya ang kamay ko. Wala naman sigurong magagalit.
Sabay-sabay kaming nagtungo sa may talon. Maraming turista doon at halata sa kulay ng balat nila at buhok na hindi sila taga-Pilipinas. They look lika a foreigner by the color of their skin.
Sa isang cottage kami nag-ayos ng gamit. Pagka-upo ko doon ay agad akong napapikit nang tumama sa mukha ko ang malamig at masarap na simoy ng hangin. It's sounded like a whisper on your ears but I just ignored it. Napatingin ako sa may talon at napaawang ang labi dahil sa kalinisan nito.
BINABASA MO ANG
My Runaway Bride (MINE Series #2)
RomanceCzarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pero paano kung isang araw ay nangyari ang isa sa pinakahindi niya inaasahang mangyayari sa buhay niya...