Kabanata 1-Aliyah,the Hell Princess
*(Taon na nagka problema sila Prinsesa Alexandra sa palasyo)*
"Ahhhhhhhh....hhhhhhhhhhhh"ayan ang sigaw ng mga taong hindi susundin lahat ng aking naiisin...
"Ano!Gusto nyo pa?"sigaw ko sa kanila.Nandito kami sa bodega kung saan dito ko pinapatay ang lahat ng taong hindi susundin ang aking naisin.Katulad ng mga katuling ng palasyo nila Prinsesa Alexandra.
"A-ayaw na n-namin po...M-mahal na p-prinsesa...Ahhhhhhhhhhhhh...Ang i-init...."sinusunog ko sila ng buhay kaya napapasigaw sila...
"Kung susundin nyo ako at gagawin nyo ang lahat ng gusto ko at tatalikod kayo sa hari ay bubuhayin ko kayo...Ano sa palagay ninyo?"
"K-kahit mamatay p-pa k-kami ay hinding hindi kami t-talikod sa hari....Ahhhhh...."binuhusan ko ulit ng gasolina ang apoy para mas lalong kumalat.
Nang makita ko na silang tinutupok ng apoy ay napangiti ako....Nagtagumpay na naman ako sa aking paghihiganti....Magkakaroon na naman ng problema ang kapatid ng aking yumaong ama....Hahahahahahah
Umalis na ako sa bodega ng makita kong naging abo na sila.Sumalubong sa akin ang dalawang dama na aking pinagkakatiwalaan.
"Princess Aliyah,Ito na po ang espada na pinakukuha nyo sa amin...."inabot nya sa akin ang aking espada na bigay sa akin ni ama bago sya mamatay.
Kapag nakikita ko ang espada na ito ay mas lalo kong nami-miss si ama.Nang dahil sa kapatid ni ama ay namatay sya kaya gumaganti ako sa kanila,gamit ang pagpatay sa bawat katulong na pinaglilingkuran sila.
Pumunta ako sa aking kwarto para palitan ang aking gown na suot.Kung kanina ay itim na gown na pinarisan ko ng pulang heels ang aking suot,ngayon naman ay pulang gown na pinarisan ko ng maroon na heels.Mas bagay sa akin ang ganitong kasuotan kaysa sa mga makukulay na damit.Hindi kaaya-aya sa aking paningin kapag nakakakita ako ng ibang kulay maliban sa itim at pula.
Nang matapos na akong mag-ayos ay umalis ako na dala-dala ang aking espada.
"Mahal na prinsesa ng kasamaan...Nandito na po ang susunod nyong papatayin.."nakita ko ang mga sumasamba din sa hari kaya agad ko silang nilapitan.Lahat ng mga gamit ko rito ay kulay pula.Mga kasangkapan ay naghahalong kulay pula at itim.Mga damit din ng mga dama ay itim kaya hindi ko sila kayang patayin,Ngunit kapag hindi nila ako sinunod at nagtaksil sila sa akin ay siguradong patay na sila ngayon.
"Maawa kayo sa amin,Mahal na prinsesa.....May mga pamilya rin kami...."bigla kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Pake ko!Bakit yung hari nyo ba ay inintindi ang ama ko noong mamamatay sya ng dahil sa kanya?Sagutin mo ako!Diba ng dahil sa hari nyo rin ay namatay ang aking ama..."
"Hindi kasalanan ng hari ang pagkamatay ng iyong ama,Mahal na prinsesa.Bagkus nasagasaan lamang sya ng isang sasakyan na ikinakitil ng buhay nya!"sigaw nya sa akin.
"SINUNGALING!(Shingggg*)"sinaksak ko sya dahil sa galit.
"Mahal na prinsesa!"hinawakan ako ng aking dama."Umalis na po kayo,Linisan nyo na po ang inyong espada.Kami na po ang bahala sa kanya na idispatsya
....."umalis na ako sa pinangyarihan.Hindi ako nagsisisi na pumapatay ako dahil ako ang Hell Princess.
"Aliyah,The Hell Princess...Magandang pangbansag sa akin...HAHAHAHAHAHAHA"
BINABASA MO ANG
The Hell Princess (Book 1 Of Princess Series #2)
Teen FictionBook 1 Of Princess Series#2 Si Aliyah Dela Fuentes ay isang Prinsesa na kayang pumatay para sa pansarili nyang gusto....Pumapatay din sya para sa tatay nyang namatay....Pero may dadating sa buhay nya na magpapabago sa pananaw nya.... Mamahalin ba ny...