Kabanata 16-Panaginip
"Mahal na Prinsesa...A-ang b-bigat ng b-bag m-mo...A-ano b-ba a-ang l-laman nito?"Nandito kami sa Barko..
Pupunta kami ngayon sa Maynila...Dahil ako ang nagbayad,Sya ang magdadala ng mga bagahi namin..
Pumasok na kami sa loob at pumunta sa VIP Room..Kinuha ko yung pangVIP dahil ayokong makipagsiksikan sa mga stranger..Like ewww...Ang baho-baho nila..Amoy-Pawis!
Umupo na ako sa Upuan pero nang uupo si Kristoffe ay pinigilan ko sya..
"Hep,Hep,Hep...Sinabi ko bang umupo ka?"Tumayo sya..
"Sorry Po.."iniwas ko na lang ang tingin sa kanya..
Tiningnan ko na lang ang mga Tubig na umaagos...Maganda silang pagmasdan..Animo'y Tahimik pero mabilis kung dumaloy..
"Aliyah,Pwede po bang magtanong?"tumingin ako sa kanya.
"Ano iyon?"
"Maganda naman po kayo,Matalino at Mayaman..Nasa iyo na ang lahat pero parang may kulang sa inyo..Ang pinagtatataka ko,Bakit naging ganyan ang ugali mo?"tumaas ang kilay ko.."I Mean..Bakit ka pumapatay.."
"Gusto mo talagang malaman?"tumango sya.."Okay..Noong twelve years old ako..Namatay ang Mama ko dahil sa cancer sa matris...Noong nawala sya ay si papa na ang naging Ama at Ina ko pero..Pinag-aral nya ako sa espanya ng Tatlong Taon..Bumalik ako rito para Ipagpatuloy ang kolehiyo ko..Pero.."huminto ako..
"Gusto nyo po bang ihinto..Nararamdaman ko na puro emosyon ang nararamdaman mo ngayon.."umiling ako.
"Pag nasimulan ko na,Tatapusin ko na..So,Ito na...Noong pagkabalik ko rito galing spain ay..Nabalitaan ko na namatay ang papa ko...Dahil sa Kagagawan ng Tito ko,Ang kapatid ni papa...Tinanong ko kung ano ang dahilan pero hindi nila sinabi kaya namuo ang galit sa puso ko...Kung noon at tahimik ako at mahiyain,Ngayon Palaban at walang inuurungan kahit anong labanan man iyan.."
Namumuo na ang mga luha ko sa mata ko pero ayokong ipakita sa harapan ni Kristoffe na mahina ako.."Ilabas mo ang sakit na nararamdaman mo,Prinsesa Aliyah..Huwag mong itago dahil kahit anong tago mo sa totoo mong pagkatao ay lalabas at lalabas ito.."talagang napaiyak na ako..
Naramdaman ko na yinakap ako ni Kristoffe kaya mas lalo akong napaiyak...Kapag naalala ko yung mga oras na wala ako sa tabi ni Papa ay parang pinagsisisihan ko na naging Dela Fuentes ako..
"Prinsesa Aliyah,Nandito lang ako..Hindi kita papabayaan..."bulong nya sa akin..
Sana Totoo lahat ng sinasabi mo dahil ayokong umasa sa huli...
Sa sobrang pagod ko sa kakaiyak ay nararamdaman ko na pumipikit na ako.....I wanna Free my self to this damn problem..
Tuluyan ko nang sinara ang mga mata ko...
"I Love You,Princess Aliyah..."yun na lang ang narinig ko..
——
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko...Kainis!
"Mahal Na Prinsesa...Gising na!"pagkabukas ko ng mata ay nakita ko si Kristoffe na nakangiti..
"Nasaan na Tayo?"tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga nagbababaan na mga pasahero..
"Nandito na Tayo sa Maynila.."kinusot ko muna ang mga mata ko bago tumayo..
Ang sarap ng tulog ko..Atsaka nanaginip ako ng maganda..Nakakakilig na may pagkabitin..
May nakita akong lalaki na nakatalikod sa panaginip ko..Matangkad sya at parang Makisig..Linapitan ko yung lalaki pero noong lumingon sya,Blurd yung mukha nya...Hinawakan nya yung kamay ko tapos nagsayaw kami..Pagkatapos naming magsayaw ay hinalikan nya ako sa lips..Whahhh!!Kinikilig ako..
Hindi ko pa naranasan kiligin kahit nagka Jowa ako ng Bente..Hindi ko naman sila minahal kahit kaunti..Pero ngayon,Parang totoo yung kiss namin..Bwisit kasi yung mga bunganga ng mga tao kainis..Dapat aabot kami sa..Alam nyo na..Hihihi..
"Mahal na Prinsesa...Huy!"bwisit din ang isang toh!"Kanina pa kita tinatawag pero di ka namamansin..."tiningnan ko sya sa mata..
Sandali!Parang sya yung lalaki sa panaginip ko pero...Blurd ang mukha..
'Paano naman magiging sya iyon eh..Ang macho-macho noon..Si Kristoffe mukhang buto-buto kaya imposibleng sya iyon..'sabi ng matino kong parte ng utak..May point naman sya sa sinabi nya..
"Mahal na Prinsesa,Alam kong nagugutom ka na kaya binilhan kita ng Cup Noodles.."naamoy ko ang dala nyang Cup Noodles kaya nagutom ako..
"Salamat.."kinuha ko ang cup noodles sa kanya..
"Dahan-Dahan lang..Mainit iyan.."inamoy ko muna ito bago kainin..Kinuha ko ang kutsara at sinimsim ko ang sabaw..
"Alam mo Mahal na Prinsesa...Kapag nakita mo ang pamilya ko..Mararamdaman mo na parang pamilya mo rin sila dahil sa pagiging masaya namin.."tiningnan ko sya pero agad din akong umiwas..
Dahil sa panaginip ko ay parang naiilang na akong tumingin sa mata nya..I don't Know pero kakaiba ang kinikilos ko ngayon..
"Sana lahat ng Pamilya..Kumpleto.."tinuloy ko na lang ang pagkain ko..
BINABASA MO ANG
The Hell Princess (Book 1 Of Princess Series #2)
Teen FictionBook 1 Of Princess Series#2 Si Aliyah Dela Fuentes ay isang Prinsesa na kayang pumatay para sa pansarili nyang gusto....Pumapatay din sya para sa tatay nyang namatay....Pero may dadating sa buhay nya na magpapabago sa pananaw nya.... Mamahalin ba ny...