Kabanata 22-Lagnat
Naalimpungatan ako ng dahil sa ingay ng mga nag-aaway sa labas..
"Tang Ina Mo,Lumayas ka na!"
"Ikaw ang Lumayas!"
Tang ina!Kay aga-aga,Nag-aaway..
"Sige saksakin mo ako!Para matapos na itong paghihirap ko!"
"Baby..I'm sorry..."
Gago!Nagbati ka agad!Wala bang patayan effects?Nakakabitin..
Tatayo na sana ako ng naramdaman ko na may nakadagan sa akin..
"Ano..Ba.To?"inis kong bulong..
Binuklat ko ang mata ko,Hanggang sa nakita ko sa aking tabi si Kristoffe na nakanguso..
"Tang iNa!"pagkabangon ko ay nagmura ako..
Tiningnan ko ang suot kong damit at napansin kong iba na ito..Kahapon kasi ay nakabestida ako tapos ngayon,Damit ni Kristoffe ang suot ko.
Paano ko nalaman na damit ito ni Kristoffe...Ito yung suot nya noong kumanta sya ng Sweet But Pyscho..
"Mahal na Prinsesa,Anong nangyari?Bakit ka sumigaw?"nakita ko si Mama Tess sa harap ko..
"Bakit po iba na ang damit ko?Atsaka bakit katabi ko si Kristoffe?"hinawakan ako ni Mama Tess sa kamay...
"Ako ang nagpalit ng damit mo,Atsaka tumabi si Kristoffe sa iyo dahil nahihilo sya.."tiningnan ko si Kristoffe..
May kumot na nakatalukbong sa buong katawan nya,Nakapatay din ang Electric fan..Tapos nakanguso pa sya..Nalamigan rin ba ang labi nya?
"Bumaba kana para makakain ka..Alam kong hindi kayo kumain ni Kristoffe dahil sa sobrang antok..Sumabay ka nang kumain kina Angela.."tumango ako.
"Sige po..Bababa na ako.."tumayo na ako sa hinihigaan ko atsaka bumaba..
Malaki rin naman ang taas nila,Kutson ang higaan nila..May isang electric fan..Hindi ba sila naiinitan kapag mainit ang panahon?Isa lang ang electric fan tapos sa baba,wala..Saan napupunta lahat ng sweldo na binibigay ko kay Kristoffe?
"Good Morning My Princess.."napatingin ako sa nagsalita..
Nakita ko si Angelo na may hawak ng Isang Pulang rosas..
Linapitan ko sila at umupo sa upuan,Kumakain palang sila..Anong Oras na ba?
"My Princess,Why are you sad?"napalingon ako kay angelo..
"Hindi ako sad..Atsaka Good Morning,My Prince.."nginitian ko sya at kinindatan..
Namula na naman ang pisngi nya sa sobrang kilig..Mukha syang Baby kapag namumula..I want his cheek..Argggh..Nakakagigil..
"F-flowers f-for y-you.."kinuha ko ang bulaklak na hawak nya..
Si Angela naman ay parang naiinis sa mukha ng kuya nya..Cute nya rin..Mataba ang pisngi..
"Kuya Gelo,Kay kuya Krisoffe na si Ate Liyah.."bigla syang bumusangot..
"Kumain na kayo..Baka malate pa kayo..Atsaka anong oras na ba?"
"Six O'clock na.."sabi ni Angelo
Six palang pero may nag-aaway na!Ang galing!
"Anong Oras ba ang pasok nyo?"kinuha ko ang pandesal na nasa lamesa..
"Six-Thirty.."sabi ni Angela..
Biglang pumasok ang Papa ni Kristoffe,Mukhang galing sa labas..
"Tapusin nyo na ang pagkain nyo para maihatid ko kayo sa school.."pumunta ang Papa ni Kristoffe sa kusina..
Bigla namang bumaba si Mama Tess,Galing sa taas.
"Pa..Kamusta ang Taxi?"linapag ni Mama Tess ang kanyang towel.
"Wala namang problema ang taxi ko sabi nung nasa talyer..Mabuti na rin iyon para wala tayong magastos."sabi ng Tatay Ni Kristoffe..
Linagyan ni Mama Tess ng pamunas ang likod ng Papa ni Kristoffe..
"Kaloy,Mag-ingat ka sa daan.."hinalikan ni Mama Tess sa pisngi si Tito Kaloy..
Sana All Sweet!Naalala ko tuloy si Mama At Papa.Sweet din sila sa isa't isa..
"Mag-iingat ako..Angela,Angelo Halika na..Mahal na Prinsesa,Mauna na kami.."ngumiti ako bilang sagot.
Lumabas na sila Angelo at Angela na dala-dala ang mga bag nila..Mukha silang matatalino.Siguro sa susunod na araw ay baka pumunta ako sa Mall para bumili ng regalo para sa kanila...
"Aliyah.."napatingin ako kay Mama Tess..
"Bakit po?"tanong ko..
"Di ba kahapon nagpaulan kayo?"tumango ako.."Mahina ang resistensya ng batang iyon kaya ngayon nagka-lagnat nya."Si Kristoffe Nagkalagnat?
Inubos ko na ang pandesal at sinaksak ko na lang sa bunganga ko ang Hotdog na palaman nun..
"Baka mabulunan ka.."umiling ako..
Umakyat na ako sa taas para silipin ang kalagayan nya..Nang dahil sa akin ay nagkalagnat sya..
"A-aliyah...S-sorry..Huhu..h-huuhu.."narinig kong sabi ni Kristoffe kaya linapitan ko agad sya..
"Shh..Hdjdjd...sjdjfs..Hdjdjdn."oo nga pala,May laman pa bunganga ko..
Inubos ko na ang pagkain sa bibig ko para makapagsalita ng Maayos..Nang maubos ko na iyon ay agad ko syang kinausap..
"Shhh..."hinipo ako ang leeg nya gamit ang Likod ng palad ko..
Ang init nya talaga!Sorry Kristoffe..
"A-aliyah..S-sorry..S-sorry.."Pautal utal nyang sabi..
Wait!Bakit sya nagsosorry sa akin?May nagawa ba syang kasalanan sa akin?
BINABASA MO ANG
The Hell Princess (Book 1 Of Princess Series #2)
Teen FictionBook 1 Of Princess Series#2 Si Aliyah Dela Fuentes ay isang Prinsesa na kayang pumatay para sa pansarili nyang gusto....Pumapatay din sya para sa tatay nyang namatay....Pero may dadating sa buhay nya na magpapabago sa pananaw nya.... Mamahalin ba ny...