Kabanata 5-Sirvienta
"Mahal na Prinsesa,Nandito na Po ang bago ninyong Alipin..."Napatigil ako sa pagpupunas ng aking espada
"Papasukin mo..."hindi ko parin inaalis ang paningin ko sa espada ko.Gusto kong pumatay pero huwag muna ngayon.
"Pasok ka rito,Nandoon na ang prinsesa sa sala.."narinig kong sabi ng aking dama.
"Magandang Umaga,Prinsesa Aliyah.."pagkatingin ko ay nakakita ako ng GWAPO!Aliyah,Mahulos-Dili ka!
"Anong Maganda sa Umaga,Kristoffe Gintung-Awa.."kailangan hindi ka maapektuhan ng kagwapuhan nyan.Malay Mo,Kampon ni Satanas iyan!Kasama Pala ako sa kampon ni Satanas.Ako pa nga ang prinsesa!
"Kristoffe na lang para gwapo..."kumindat pa ang gaga.
"Huwag mo akong makindat-Kindatan..Baka isaksak ko sa mata mo ang hawak kong espada!"pagbabanta ko sa kanya kaya napaatras sya."Well,Alam mo naman siguro ang pinasok mo sa palsyong ito...Di ba?"tumango sya..
"So,Princess Aliyah...Ano po ba ang trabaho para sa akin?"tinaasan ko sya ng kilay.
"Simple Lang..Magpaligo sa akin,Magpakain at kung ano-ano pa..."napalunok sya sa sinabi ko."Kung gusto mo,Hubaran mo na rin ako para mataas ang sahod mo.."nakangisi kong sabi.
"P-pati P-panty n-nyo p-po?"kinakabahan nyang tanong kaya tumango ako.
"May Angal ka?"umiling sya."May mga dapat kang sundin sa pagiging Yayo mo..."hinawakan ko ang espada ko at tumayo para lapitan sya.
Pinadausdos ko ang kamay ko sa dibdib nya.Nakita kong napanganga ang mga dama sa aking ginawa."Una,Kailangan mong gawin lahat ng gusto ko..."napahinto ako at tinapat ang aking espada sa leeg nya."Kasi kapag di mo sinunod ang gusto ko...ay buhay mo ang kapalit...Naintindihan mo ba?"tumango sya.
"Pangalawa,Kapag nagtanong ka tungkol sa buhay ko ay agad kong kikitilin ang buhay mo..."hinawakan ko ang labi nya at akmang hahalikan pero umatras ako."At ang pangatlo ay hinding-hindi ka pwedeng mainlove sa akin dahil tiyak n ikakapahamak mo..."lumayo ako sa kanya at ang espadang hawak ko ay binaon ko sa sofa...
"Prinsesa,Kakapalit lamang nami-.."huminto sya sa kakadada ng tiningnan ko sya ng masama.
"I Don't Care!Mayaman ako at handa kong bilhin ang lahat ng Sofa sa buong mundo...At Ikaw Kristoffe...Naintindihan mo ba ang lahat ng sinabi ko?"tumango sya.
"Good!"tumalikod na ako.
"Prinsesa Aliyah,Kailan ako magsisimula?"tanong nya sa akin.
"Ngayon na.."sabi ko.
"Ano!"tinaasan ko sya ng kilay."Mahal Na Prinsesa,Pwede po ba akong magpahinga?Pagod po ako sa biyahe..Kahit saglit lang po."nagmamakaawa nyang sabi.
"NO,Hindi ka pwedeng magpahinga dahil hindi kita pinapaswelduhan kung magpapahinga ka lang!Kung kahapon ka pa dumating ay nakita mo sana ang tinanggal ko sa trabaho!"napatakip sya ng tenga sa sinasabi ko,Linapitan ko sya at hinawakan ko ang kamay nyang nakatakip sa tenga nya.
"Tanggalin mo ang kamay mo sa tenga mo!"sigaw ko pero hindi nya parin inaalis,Ayaw mo..."Akin na,Dalian mo..."matatanggal ko na sana pero binabalik nya ang kamay nya.Naalala ko na hawak ko pala ang espada,Alam kong takot ka rito.
"Kung hindi mo tatanggalin ang kamay mo sa tenga mo ay papatayin na kita ngayon at tuluyan ka ng magpapahinga habang-buhay!"tinanggal nya ang kamay nya sa tenga nya."Di ba sabi mo gusto mong magpahinga."umiling sya."Sabi mo kanina,Gusto mong magpahinga dahil PAGOD ka sa byahe..Ito na ang gusto mo,Magpahinga.
Magpapahinga ka sa kabaong mo..."hinawakan nya ang kamay ko."Maganda ka nga,Demonita naman.."bulong nya pero hindi ko pinansin iyon.
"Huwag kang bumulong-bulong kung ayaw mong tanggalin ko ang bibig mo..."ngumiti sya.
"Ayos lang po iyon,Atleast Buhay ako.."sabi nya.
"Puta!"sigaw ko..
BINABASA MO ANG
The Hell Princess (Book 1 Of Princess Series #2)
Teen FictionBook 1 Of Princess Series#2 Si Aliyah Dela Fuentes ay isang Prinsesa na kayang pumatay para sa pansarili nyang gusto....Pumapatay din sya para sa tatay nyang namatay....Pero may dadating sa buhay nya na magpapabago sa pananaw nya.... Mamahalin ba ny...