Chapter 2

262 31 52
                                    

"Lisha, anak. Bangon na."

Umagang-umaga, boses na ng nanay ni Alishabeth ang bumungad sa kanya. Kaya naman kahit inaantok pa siya ay agad na siyang tumindig dahil kailangan nilang bumalik sa school upang malaman kung pumasa sila ni Madison sa exam.

"Tita, wala pa po ba siya?" Dinig din niya ang boses ni Madison sa baba nang magtanong ito.

Laking gulat niya nang makita niyang nakasilip na si Madison sa pintuan ng kanyang kuwarto at binabati siya sa pamamagitan ng pagngiti at pagkaway sa kanya.

"Tindig na, Alishabeth or Alisha or Lisha or Beth." Hindi pa maibuka ni Alishabeth nang maayos ang mga mata niya dahil sa sobrang antok, kaya naman ay nakatulala lamang siya kay Madison.

"Wala ka talagang balak mag-ayos?" Tanong ni Madison, nakakunot ang noo nito habang nag-aantay ng sagot mula kay Alishabeth na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama.

Napakamot naman si Alishabeth sa kanang mata niya at minulat ito nang maigi. "Madison or Maddie or Adison or Mad. Siguro mas maganda kung aantayin mo na lang ako sa baba, 'di ba?" Naiiritang tanong niya kay Madison. Her voice was raspy voice since she just woke up from her slumber.

Nagkibit balikat si Madison at mabilis na tumango. "Okay, bilisan mo na. May pag-uusapan pa tayo." Iyon ang huling nasabi ni Madison sa kanya, ngunit wala siyang kaalam-alam kung tungkol saan ang gustong pag-usapan nila ni Madison kaya hindi na lang niya ito masyadong pinansin.

Bago pa man siya lumabas ng kuwarto ay nag-ayos na muna siya ng kanyang kama at pati na rin ang mga nakakakalat na gamit sa study table niya na hindi na naayos kagabi dahil tinamad na siya. Habang abala siya sa pag-aayos ng ang mga gamit niya, napansin niya ang litratong nakakalat sa sahig, ngunit hindi niya ito masyadong maaninag, kaya pinulot niya ito mula sa lapag at pinagmasdan ito nang maigi. A picture of her with her siblings. It was taken when they were just little kids.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sapagkat napakaraming emosyon ang bumabagabag sa kanya sa sandaling iyon habang hawak-hawak ang lumang litrato.

"Parang... kailan lang."

Wala siyang kamalay-malay na tumutulo na ang luha niya mula sa kaliwang mata niya pababa sa kanyang pisngi, ngunit nakangiti pa rin siya at masaya, masayang-masaya. She usually examines their past photos, and it never made her cry, but rather gives her nostalgic feeling. But the photo she was holding really touched her heart.

"Napakabilis ng panahon," bulong niya sa sarili niya at nang ibaba niya sa lamesa ang litratong hawak niya, agad niyang pinunasan ang mga mata niya at bumuntong hininga.

"Mahirap ang buhay, napakahirap. Gusto kong makatulong sa mga magulang ko kahit kaunti lamang... kahit sa murang edad," dagdag pa niya habang nakatulala lamang sa kawalan at may malalim na iniisip.

"Hindi lang para sa mga magulang ko, kundi para na rin sa mga kapatid ko. Gusto kong lahat tayo makakapagtapos." A long sigh escaped her lips as she muttered those words under her breath.

"Ate! Bilisan mo na raw sabi ni mama!" sigaw ni Atashalyn, ang pangalawa niyang kapatid.

Ikinagulat naman ni Alishabeth ang pagsigaw ni Atashalyn at dali-daling napahawak sa dibdib niya. Muli siyang kumilos nang mabilis upang ayusin ang mga kalat na nakikita na siya loob ng kanyang kuwarto. Nang matapos itong mag-ayos, agad na siyang bumaba upang makakain na rin ng umagahan.

***

"Tita, una na po kami!" pagpapaalam ni Madison sa mga magulang ng kaibigan niya habang si Alishabeth naman ay nagsusuot pa ng kanyang sapatos. For Madison, Alishabeth seemed like she was having a hard time wearing her shoes.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon