Chapter 74

54 21 36
                                    

March 30, 2020. Bago maganap ang kanilang graduation sa araw ng April 6, naroroon silang lahat ngayon sa Norkin Academy, abala sa pictorial at iba't ibang gawaing ginagawa ng isang graduating student. Tama 'yon, isa na silang ganap na college student sa susunod na pasukan. Lahat ng paghihirap at tiisin ay mababayaran.

Eunice, continued her passion in taking care of the environment. She will always remain a nature lover. Gagawin niya ang lahat upang mas mapaganda at malinis ang kanyang kapaligiran. Gano'n na nga lang niya kamahal ang kalikasan.

"Grade 11 students, ayusin n'yo ha? Kayo ang susunod na handler nito," utos niya sa kanila habang tinuturuan silang magtanim, magdilig at maglinis nang tama sa hardin.

Nakahawak ito sa kanyang baywang habang pinagmamasdan silang lahat. "'Wag masyadong marami ang tubig, ayusin ang hawak sa shovel. Maging maingat sa pagtatanim ha?" Naglakad siya sa gitna nila hahang sumusulyap-sulyap sa kanila.

"Hmm, very nice..." bulong niya sa sarili niya, may ngiting namumuo sa kanyang labi.

Hindi niya kayang iwan ang hardin ng Norkin Academy. Anim na taon niya itong inalagaan kaya gano'n na lamang siya nalulungkot, ngunit umaasa siyang maaalagaan ito ng mga susunod sa kanya. Babantayan at mamahalin tulad lamang ng dating mga kalahok dito.

She took a deep breath and paused for a moment, looked up into the sky with a smile across her face. "Without nature, we wouldn't be able to live. Thank God for His wonderful creation," she murmured under her breath while smiling.

***

Sa loob ng dance room, naroroon sina Koeli at Tori na ipinapakita ang kanilang kagalingan sa pagsayaw. Marami rin ang nanonood sa kanila. For Tori, being a leader wasn't easy for the past few years, but when she learned to love dancing—it became her passion and she gained a lot of improvement with her co-members.

They moved swiftly and danced passionately. Hindi man sila gano'n ka-professional sa kanilang pagsayaw, alam naman nila sa sarili nila na natututo sila. Ilang minuto nang matapos silang sumayaw, pumalakpak ang mga manonood na kanilang ikinagalak.

"I just want to remind that everything starts with nothing until it becomes something and turns into everything as you desire to improve." This statement from Tori was a big help for the others. Lalong-lalo na sa mga pinanghihinaan ng loob. Malaking tulong ang nasabi ni Tori bilang isang lider ng club na iyon.

"Ate Koeli, may masasabi ka rin po ba para sa amin?" tanong naman ng isang member din ng club nila.

"Hmm... mayro'n din naman," sagot ni Koeli.

"Just follow your dreams and make it your passion. Show everybody your talent and be thankful. Enhance your skills and embrace it."

Tinuro niya si Tori habang ang tuon niya ay nasa lahat at ngumiti. "Sabi nga ng ate Tori natin... lahat ng mayro'n ay nagsisimula sa wala. Huwag panghihinaan ng loob, be proud of yourself, be confident and show it off," she confidently said.

Muli siyang pinalakpakan ng mga members na m maiiwan sa club na iyon. Nakasama man ni Koeli ang mga ito sa maikling panahon lamang, alam niya sa sarili niyang may natutunan siya mula sa kanila at naging parte na rin sila ng kanyang buhay.

"This is Koeli Satzumi, signing off as a member of the dance club and signing in as your supporter and mentor."

***

For Rei, he would be leaving his club since he would be one of the graduating student. Ipapasa na niya ang posisyon niya sa isang Grade 11 student na sa susunod ay magiging isang Grade 12 student na, and that would be his sister, Meirin.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon