Chapter 32

54 21 39
                                    

Nang matapos ang kanilang pag-uusap sa loob ng office at oras na upang makauwi, pinili ni Koeli na magpaiwan muna upang magpahinga sa labas. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya, hindi niya inaasahang magagawa iyon ni Sabrina sa kanya, masyado na niyang ginagawang masama ang sarili niya. She even brainwashed Eunice para lang mapaniwalang si Koeli talaga ang may masamang intensyon.

She didn't notice that there were people behind her, staring at her while she was trying to relax. Relaxing herself after knowing the truth, after that—she was free. She was proven innocent.

"Are you okay?" someone asked from behind, walking up to her. It was Alishabeth with Madison.

They both sat down beside Koeli while Alishabeth nudged her. Koeli smiled at them faintly and closed her eyes, but she felt someone snaked their arms around her waist. It was Alishabeth.

"Okay lang ako."

"Tutulong din sana ako kaso some part of Tori's statements ay nandoon na rin ang dapat na sasabihin ko... kaso she did it already." Koeli nodded after Alishabeth apologized.

"Thank you," pasasalamat niya.

"Salamat sa inyo, sa pagtulong n'yo. Hindi ako makakagalaw nang mag-isa kung wala kayo."

"Kung wala si Tori, 'di ko alam kung ano'ng mangyayari sa 'kin," sabi ni Koeli.

A very true statement for Madison said by Koeli, without Tori testifying what she really saw, Koeli wouldn't be free and proven innocent.

"Yeah, thanks to her too. My friend just got proven innocent," sabi naman ni Madison.

Koeli opened her eyes, started to breath deeply and stood up. It was late in the afternoon, sitting on a bench and talking to each other—it was the first time they spoke alone with a peaceful surrounding.

"How are you and... Glenn?" tanong ni Koeli habang naglalakad-lakad sa harapan ng dalawa.

Sumipol si Alishabeth at napunta ang titig sa kanyang paligid, iniiwasang sagutin ang tanong ni Koeli. She wasn't ready to answer the question since she was too shy to tell some of the news. Koeli sat down beside Alishabeth ahain and used her elbow to nudge Alishabeth's shoulder, and that was the time Alishabeth turned her head towards Koeli then pouted.

"Nahihiya akong sabihin e..." Alishabeth started curling her hair.

"Bakit naman?" tanong ni Koeli habang nakataas ang isang kilay.

Patuloy pa rin ito sa pagkulot ng buhok niya. "Baka kasi asarin mo 'ko e."

Nagkatinginan sina Koeli at Madison at ngumiti sa isa't isa. Ang tawa ni Madison ay naging halakhak habang si Alishabeth naman ay naroroon lamang, namumula ang mga pisngi at hindi malaman kung bakit gano'n na nga lang ang naging reaksyon nila sa kanya.

"O? Bakit gan'yan ka makatawa?" Alishabeth crossed her arms and glared at Madison.

Tumigil si Madison sa kakatawa. "Hindi ka naman namin aasarin e, tease lang." Alishabeth faced palmed herself after hearing Madison.

"Parang wala naman tayong pinagsamahan—walang gan'yanan, walang gan'yanan," biro naman niya habang tinatapik ang kamay ni Madison na kanina pa pilit na pinupulupot sa braso ni Alishabeth.

"O, sige, sige. Kuwento ka na lang ng mga sweet moments n'yo na Glenn kasi alam mo ba?" tanong ni Madison.

"Bakit?"

"Cute n'yo maging couple e!" Tinilian din ni Madison ang sarili niyang sinabi habang si Alishabeth naman ay napapakamot na lang sa ulo niya.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon