Chapter 35

55 21 19
                                    

Nang matapos ang pagsamba, agad nang umuwi ang pamilyang Ly. Family day ang araw na iyon, kaya naman napag-isipan ng mag-asawa na sa bahay muna sila, manonood ng palabas at kumain nang kumain. Mas masayang kasama ang buong pamilya sa tahanan. They wanted to enjoy the moments with their family dahil alam nilang hindi habambuhay ay nariyan ang kanilang pamilya.

"Tanghalian na naman," sabi ni Alishabeth habang isinusuot ang apron niya.

Pumasok sa loob ng kusina ang nanay niya at sinuot din ang apron niya upang makapagluto na ng kanilang tanghalian.

"Mama, ano po pala lulutuin ngayon?" tanong ni Alishabeth habang hinuhugasan ang mga kamay niya.

"Pritong manok at saka munggo," sagot naman nito habang hinahanda ang mga gagamiting panluto.

"Wow! Ako na lang sa pritong manok, mama. Baka mahirapan ka pa," she insisted.

Agad nang ihinanda ni Alishabeth ang mga kakailanganin na sangkap para sa pritong manok nila habang ang nanay naman niya ang magluluto ng munggo, ngunit kapansin-pansin para kay Alishabeth ang hagikhik ng nanay niya habang naghahanda.

"Talagang mautak ka ha? Sige na, lutuin mo na 'yung mga manok."

Naintindihian ni Alishabeth ang sinasabi ng nanay niya kaya ito natawa sa kanya, mas pinili niyang lutuin ang madali para mabilis din siyang makatapos. Nagsimula silang magluto ng kanilang mga ulam habang ang iba naman niyang kapatid ay nagpapahinga dahil napagod din ang mga ito sa biyahe nila. Ang tatay naman nila ay abala sa paglilinis ng kotse sa labas ng kanilang garahe.

"Kahapon pala, no'ng nakauwi kami ng papa mo. Ang tahimik n'yong lahat."

"Ano'ng nangyari? Ano'ng mayro'n?"

Muling inalala ni Alishabeth ang mga pangyayari kahapon, ang kanilang kadramahan sa isa't isa, ngunit natuwa na lang siya nang maalala niya kung ano ang nangyari kahapon. Ang lambing ng magkakapatid ay napadama nila sa bawat isa.

"Ano po kasi... habang kumakain kami—nasabi nga po sa akin ni Atasha na nape-pressure po siya sa pag-aaral niya."

Taimtim na nakikinig sa kanya ang nanay niya at nag-alala rin kay Atashalyn dahil minsan lang din magsabi ng saloobin sa kanila ang pangalawa nilang anak.

"Sabi ko naman po, nandito lang ako kung kailangan nila ng tulong."

"Syempre po, bilang ate nila... tutulungan ko po sila kasi mahal ko sila at ayaw ko silang mahirapan." Napapatango na lang ang nanay niya sa mga sinasabi niya.

"Sabi ko rin po sa kanila na mahal na mahal ko sila at lagi lang akong nasa tabi nila kung kakailanganin man po nila ako—"

Bago pa man matapos ni Alishabeth ang simasabi niya, yakap ang natanggap niya mula sa nanay niya. Mahigpit na yakap.

"Napakaswerte ko at ikaw ang naging anak ko," malambing na sabi ng nanay niya.

"Mabait at mapagmahal na ate sa kanyang mga kapatid," her mom added.

Napangiti si Alishabeth at niyakap din pabalik ang nanay niya. Para sa kanya, minsan lang magkaroon ng paglalambing ang pamilya niya dahil lahat ay abala sa pag-aaral at trabaho, ngunit natutuwa pa rin siya dahil kahit papaano ay may oras pa rin ang lahat para sa isa't isa.

"Napalaki namin kayo ng papa niyo nang tama. Tama iyan na magmahalan kayong lahat."

Tinanggal nila ang pagkakayakap sa isa't isa at nagtawanan nang maalala nila ang niluluto nilang ulam na baka masunog. Malapit na ring matapos ang kanilang pagluluto at maya-maya ay pwede na silang makakain.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon